Carlo Aquino at Charlie Dizon, muling namataang magkasama

Carlo Aquino at Charlie Dizon, muling namataang magkasama

- Muling namataan si Carlo Aquino kasama ang aktres na si Charlie Dizon sa isang restaurant sa La Union

- Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa

- Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie ng picture kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres

- Ang huling napabalitang karelasyon ni Carlo ay si Trina Candaza na siyang ina din ng anak niyang si Mithi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magkasama sina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa.

Carlo Aquino at Charlie Dizon, muling namataang magkasama
Carlo Aquino at Charlie Dizon, muling namataang magkasama (@jose_liwanag)
Source: Instagram

Wala namang paglilinaw pa mula kina Carlo at Charlie kaugnay sa espikulasyon tungkol sa umano'y pagkakamabutihan nila. Matapos nga ang post ni Charlie kamakailan, hindi maiwasang maintriga ang dalawa lalo at naging maingay din ang paghihiwalay ni Carlo at ng huling napabalitang karelasyon niyang si Trina Candaza na siyang ina ng kanyang anak na si Mithi.

Read also

Melai Cantiveros, umabot sa mahigit 4M views ang human drone video sa TikTok

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Read also

Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya

Binahagi ni Charlie Dizon ang picture na kuha sa umano'y holiday dinner. Sa kanyang caption ay sinabi niyang masaya siyang makita ang umano'y kanyang mga "sisters from another mother." Kabilang sa mga nakasama niya sa naturang holiday dinner ay si Carlo Aquino. Marami sa mga netizens ang napatanong kung sila ba ni Carlo ay nagkakamabutihan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel