Ms. Grace aka Marites, agaw pansin ang ganda sa binahagi niyang pictures

Ms. Grace aka Marites, agaw pansin ang ganda sa binahagi niyang pictures

- Nagbahagi si Grace na kilala din noon bilang si Marites ng kanyang mga bagong pictures sa kanyang social media account

- Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya

- Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram

- Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-pansin ang ganda ni Ms. Grace na kilala din sa tawag na Marites na nakilala bilang asawa ng content creator na si Pambansang Kolokoy. Matapos nga nilang maghiwalay ay hindi na nakikita sa vlog si Ms. Grace kaya minabuti nitong ibahagi sa kanyang social media account ang mga update tungkol sa kanya.

Read also

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

Ms. Grace aka Marites, agaw pansin ang ganda sa binahagi niyang pictures
Ms. Grace aka Marites, agaw pansin ang ganda sa binahagi niyang pictures (@withmissgrace)
Source: Instagram

Marami ang nakapansin sa tila mas gumanda ito at masaya sa kanyang buhay. Sa isang post ay binahagi niya ang picture niyang kuha sa isang salon.

Bukod sa pagpuna sa kagandahan niya ay may mga naghahayag pa rin ng kanilang suporta kay Ms. Grace. Narito naman ang komento ng mga netizens:

Nice to see u in fb again Miss Grace aka Marites. So pretty

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hello Ms. Grace, you deserve to be happy and healthy… I am Happy for You.
Ang ganda niyo po! Sobrang blooming!!! Ingat po kayo parati

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Read also

Ms. Grace, kinaaliwan sa kanyang TikTok video tungkol sa pag-move on

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel