Cristy sa ilang AlDub fans: "Nang-iinis nalang itong mga ito e"

Cristy sa ilang AlDub fans: "Nang-iinis nalang itong mga ito e"

- Inalmahan ni Cristy Fermin ang ilang Aldub fans na na tila nagdududa pa kung si Arjo Atayde nga ang kasama ni Maine Mendoza sa bakasyon nito kamakailan

- Aniya, may ilang AlDub fans pa umanong magtutungo sa airport upang salubungun si Maine

- Dahil sa muling pagkabuhay ng isyu sa AlDub,tila iba na raw ang nararamdaman ni Cristy sa naturang kontrobersiya

- Tila binabarikadahan pa rin umano ng ilang AlDub fans ang mga iniidolo nila kahit si Maine at engaged na kay Congressman Atayde

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling inalmahn ni Cristy Fermin ang muling nabuhay na isyu ng tambalang Alden Richardds at Maine Mendoza.

Cristy sa ilang AlDub fans: "Nang-iinis nalang itong mga ito e"
Arjo Atayde at Maine Mendoza (@arjoatayde)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang ilang AlDubs fans pa raw ay pupunta umano sa airport upang makita kung si Congressman Arjo Atayde ba talaga ang kasama nito sa kanyang bakasyon kamakailan.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinanggihan na umano ni David Foster si Jake Zyrus

"Katulad 'nung sa Europe. Hindi raw naman si Congressman Arjo ang kasama ni Maine kundi si Alden... Mag-aabang daw sa airport ang ALDub fans kung si Arjo ba talaga ang kasama ni Maine," ani Cristy.

Dahil sa 'di na halos matapos-tapos na isyu ng AlDub na pilit na ipinaglalaban umano ng kanilang fans na 'ikinasal' at nagkaroon pa raw ng anak, duda si Cristy na tila nananadya na lamang ang mga ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"May nararamdaman akong kakaiba. Nang-iinis nalang itong mga ito e Dahil hindi na nagtagumpay yung kagustuhan nila e," aniya.

Matatandaang sa panayam ni Ogie Diaz kay maine Mendoza, muling binigyang diin ng Eat Bulaga host na walang katotohanan ang sinasabi ng ilan nilang mga fans na mayroong totoong namagitan sa kanila ni Alden Richards.

Aniya, pawang sa Kalyeserye ng Eat Bulaga ang kanilang tambalan at ngayo'y engaged na siya sa actor/ politician na si Arjo Atayde.

Read also

Cristy Fermin, sinabing palipat-lipat umano ng tirahan si Jake Zyrus sa Amerika

Samantala, narito ang kabuuan ng naging talakayan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Kamakailan, natalakay din nina Cristy sa Showbiz Now Na! ang lagay naman ng career ni Jake Zyrus sa Amerika. Bukod sa wala raw itong permanenteng tirahan, hindi na rin umano ito natulungan pa ni ng record producer na si David Foster na siyang dati nang naniwala sa kanyang world-class talent bilang si Charice Pempengco noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel