Jimmy Santos, sinubukang mangalakal sa Canada para sa kanyang vlog
- Sinubukan ni Jimmy Santos na magbenta ng mga kalakal habang siya ay nasa Canada
- Pinakita niya ang proseso kung paano napapakinabanagan doon ang mga bote at lata ng inumin
- Bukod sa kanya ay may ibang tao din siyang nakasabay na nagbenta ng kanilang kalakal
- Sa kanyang YouTube channel ay kalimitang pinapakita ni Jimmy ang iba't-ibang kabuhayan ng mga tao
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Jimmy Santos kung paano ang proseso ng pagbenta ng mga kalakal sa Canada. Sa kanyang pinakabagong vlog ay pinasilip niya ang kanyang pagsubok mangalakal doon.
Mahigit 15$ ang kanyang napagbentahan sa kalakal na kanyang nakolekta. Binahagi ni Jimmy ang sistema ng pagbebenta ng kalakal doon at naihambing niya kung paano ang proseso sa Pilipinas.
Pinakita niya rin ang pasilidad kung saan nilalagay ang mga nabubulok na basura kung saan ginagawa ang pataba para sa pananim.
Narito ang ilan sa komento ng kanyang mga viewers:
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Napaka-gandang proseso na sana ay tangkilikin at gayahin din sa Pilipinas.
Nothing wrong with being eco friendly! Great job recycling tito Jimmy!
Mula noon hanggang ngayon humble parin. ❤ Na miss ka na namin sa tv or sa pelikula sir Jimmy!
Si Jimmy Santos ay naging basketbolista bago pa man niya pinasok ang mundo ng showbiz. Taong 1970 nang magsimula siyang lumabas sa mga pelikula kasama si Fernando Poe Jr. Nakilala naman siya sa pagpapatawa nang maging bahagi siya ng Iskul Bukol at T.O.D.A.S.: Television's Outrageously Delightful All-Star Show.
Matatandaang kinaaliwan ang vlog ni Jimmy kung saan pumasyal siya sa Pampanga public market sa Angeles City, Pampanga. Kinamusta niya ang mga taong kanyang nakitang naghahanapbuhay doon kabilang na ang mga tindero at tindera. Habang kinakausap ang isang may-ari ng meat stand, tumulong din siya sa pagtitinda. Maging ang mga taong nakakakita sa kanya sa palengke ay natuwa sa kanyang pagiging mapagbiro at masayahin.
Sa isang vlog nya ay sinubukan ni Jimmy kung paano ang maging isang construction worker at pinakita niya ito. Personal niyang ginawa ang ilan sa mga karaniwang gawain ng mga construction worker kabilang na ang maghalo ng semento. Matatandaang sa kanyang mga naunang video ay kadalasang sinusubukan ni Jimmy ang mga mano-manong trabaho kagaya ng pag-uuling at pagtatrabaho sa palengke. Sa kabila ng pagkawala niya sa noontime show na Eat Bulaga, marami ang natutuwa sa komedyante na pinapakita ang kahalagahan ng mga trabaho ng mga ordinaryong mamamayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh