Jimmy Santos, sinubukang maging isang construction worker para sa kanyang vlog

Jimmy Santos, sinubukang maging isang construction worker para sa kanyang vlog

- Sinubukan ni Jimmy Santos kung paano ang maging isang construction worker at pinakita niya ito sa kanyang vlog

- Personal niyang ginawa ang ilan sa mga karaniwang ginagawa ng mga construction worker kabilang na ang maghalo ng semento

- Matatandaang sa kanyang mga naunang video ay kadalasang sinusubukan ni Jimmy ang mga mano-manong trabaho kagaya ng pag-uuling at pagtatrabaho sa palengke

- Sa kabila ng pagkawala niya sa noontime show na Eat Bulaga, marami ang natutuwa sa komedyante na pinapakita ang kahalagahan ng mga trabaho ng mga ordinaryong mamamayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sumabak si Jimmy Santos sa pagiging isang construction worker upang maibahagi kung gaano kahirap ang trabahong ito. Personal niyang ginawa ang ilan sa mga karaniwang ginagawa ng mga construction worker kabilang na ang maghalo ng semento at magbuhat.

Jimmy Santos, sinubukang maging isang construction worker
Jimmy Santos, sinubukang maging isang construction worker (Screenshot from Jimmy Saints YouTube channel)
Source: Instagram

Aminado siyang hindi madali ang pagiging isang construction worker. Sa mga nauna niyang vlog ay nasubukan din niya ang mga trabaho ng pangkaraniwang tao kagaya ng pag-uuling at pagtatrabaho sa palengke.

Read also

Wilbert Tolentino, nag-post tungkol sa problemang dala ng taong may katigasan ng ulo

Marami naman sa kanyang viewers ang na-miss na siyang mapanood sa telebisyon:

Namimiss ko na po kayo makita sa tv.. isa po kayo sa kinalakihan kong komedyante.. God bless po sa inyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Na miss kita lods:) buti nalang nakita kita na feature sa isang blogger din.
Napanood ko sya kagabi sa Cinemo. Movie ni FPJ with Ara Mina. Nakakatuwa un tandem nila ni kuya Germs.

Si Jimmy Santos ay naging basketbolista bago pa man niya pinasok ang mundo ng showbiz. Taong 1970 nang magsimula siyang lumabas sa mga pelikula kasama si Fernando Poe Jr. Nakilala naman siya sa pagpapatawa nang maging bahagi siya ng Iskul Bukol at T.O.D.A.S.: Television's Outrageously Delightful All-Star Show.

Matatandaang kinaaliwan ang vlog ni Jimmy kung saan pumasyal siya sa Pampang public market sa Angeles City, Pampanga. Kinamusta niya ang mga taong kanyang nakitang naghahanapbuhay doon kabilang na ang mga tindero at tindera. Habang kinakausap ang isang may-ari ng meat stand, tumulong din siya sa pagtitinda. Maging ang mga taong nakakakita sa kanya sa palengke ay natuwa sa kanyang pagiging mapagbiro at masayahin.

Read also

Mariano G inalmahan ang netizen na nagsabing "pera niya ang gwapo"

Game na game si Jimmy sa pag-uuling sa Angeles City. Dumayo pa ito sa Brgy. Sapangbato kung saan ginagawa ang uling. Mula sa pagsasalansan ng kahoy hanggang sa pagbubuhat ng sako-sakong uling ay ginawa ni Jimmy - Kasalukuyan nang abala si Jimmy sa kanyang YouTube channel na 'Jimmy Saints' kung saan mahigit 500,000 na ang kanyang subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel