Wilbert Tolentino, nag-post tungkol sa problemang dala ng taong may katigasan ng ulo

Wilbert Tolentino, nag-post tungkol sa problemang dala ng taong may katigasan ng ulo

- Nag-post si Wilbert Tolentino tungkol sa aniya'y taong may problema sa trabaho o may katigasan ang ulo

- Wala itong binanggit na pangalan ngunit marami sa mga netizens ang napaisip kung may tinutukoy itong tao o di kaya ay isa mga artist na kanyang hinahawakan

- Gayunpaman, maari umanong nagbahagi lang din siya ng kanyang pananaw kaugnay sa tamang ugali pagdating sa trabaho

- Ilan sa mga kilalang artist na hawak ni Wilbert sa kasalukuyan ay ang social media star na si Madam Inutz at ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Wilbert Tolentino kaugnay sa aniya'y problemang bitbit ng hindi na niya pinangalanang tao dahil sa problema nito sa trabaho o di kaya ay katigasan ng ulo. Wala itong binanggit na pangalan ngunit marami sa mga netizens ang napaisip kung may tinutukoy itong tao o di kaya ay isa mga artist na kanyang hinahawakan.

Read also

Richard Gomez, nagbigay ng payo sa mga batang artista: "Seryosohin mo yung trabaho"

Wilbert Tolentino, nag-post tungkol sa problemang dala ng taong may katigasan ng ulo
Wilbert Tolentino, nag-post tungkol sa problemang dala ng taong may katigasan ng ulo (@sirwil75)
Source: Instagram
Something to ponder : Kung may problema ka sa trabaho or may ugali kang katigasan ng ulo kht saan ka pa lumipat at napadpad ka sa bago mong Superior, Ganun lang din iho at iha, binitbit mo lang din ang problema mo dto sa akin at pinasa mo lang sa bago mong Management.

Gayunpaman, para sa ilang netizens, maari umanong nagbahagi lang din siya ng kanyang pananaw kaugnay sa tamang ugali pagdating sa trabaho

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wilbert Tolentino, nag-post tungkol sa problemang dala ng taong may katigasan ng ulo
Wilbert Tolentino, nag-post tungkol sa problemang dala ng taong may katigasan ng ulo (@facebook.com/SirWilOfficialFanPage)
Source: Facebook

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tangahalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Read also

Herlene Budol, pinabulaanan ang isyung lumaki na daw ang ulo

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel