Richard Gomez, nagbigay ng payo sa mga batang artista: "Seryosohin mo yung trabaho"

Richard Gomez, nagbigay ng payo sa mga batang artista: "Seryosohin mo yung trabaho"

- Para kay Richard Gomez, maswerte ang mga artista ng kasalukuyang henerasyon dahil aniya ay mas maraming paraan ang mga ito na kumita

- Payo niya sa mga ito ay seryosohin ang kanilang trabaho at ipunin nila ang kanilang kita

- Aniya, para sa mga batang sumisikat na ay dapat nilang alagaan ang kanilang career at ang kanilang pamilya

- Naibahagi niya ito sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na dati niyang nakatrabaho sa sitcom na "Palibhasa lalaki"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Richard Gomez, maswerte ang mga artista ng kasalukuyang henerasyon dahil aniya ay mas maraming paraan ang mga ito na kumita. Naibahagi niya ito sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na dati niyang nakatrabaho sa sitcom na "Palibhasa lalaki."

Richard Gomez, nagbigay ng payo sa mga batang artista sa kasalukuyan
Richard Gomez, nagbigay ng payo sa mga batang artista sa kasalukuyan (@richardgomezinstagram)
Source: Instagram

Aniya, para sa mga sikat nang mga artista sa kasalukuyang henerasyon, dapat ay alagaan nila ang kanilang career at matuto silang mag-ipon.

Read also

Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20 dahil sa pagiging masinop sa pera

Aniya, hindi lahat ng tao na gustong mag-artista ay nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa mundo ng showbiz kaya dapat ay seryosohin ang trabaho. Dapat din umano ay marunong makisama sa ibang tao. Dapat umano ay maging responsable at gawin ang 'best' sa lahat ng oras.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Richard Gutierrez ay naihalal bilang congressman ng fourth district ng Leyte kung saan siya nanilbihan bilang isang Mayor ng Ormoc City, Leyte. Kilala rin siya bilang si Goma at isa din siyang athlete, actor at director.

Matatandaang naging usap-usapan ang mga nakakaaliw na cooking vlogs ni Richard na kanyang binahagi sa YouTube. Bukod sa personal na paghahanda at pagluluto, nagbababahagi din siya ng mga fun facts tungkol sa mga niluluto niya. Sa isa niyang video ay nakasama ni Richard ang anak na si Juliana Gomez at ang napapabalitang boyfriend nito. Marami ang nakapansin sa pagiging komportable at kaswal nila na makipag-usap sa naturang vlog.

Binahagi niya din ang kanyang maikli ngunit nakakaantig na mensahe sa Instagram kamakailan, Ito ay para sa kanyang asawang si Lucy Torres. Ito ay sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-24 na wedding anniversary noong April 28. Nag-post din siya ng pictures nilang magkasama. Agad na nag-viral at umani ng mga komento mula sa kanyang followers ang kanyang IG post.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel