Jimmy Santos, dumayo ng Angeles City at napasabak sa pag-uuling
- Game na game ang aktor at TV host na si Jimmy Santos sa pag-uuling sa Angeles City
- Dumayo pa ito sa Brgy. Sapangbato kung saan ginagawa ang uling
- Mula sa pagsasalansan ng kahoy hanggang sa pagbubuhat ng sako-sakong uling ay ginawa ni Jimmy
- Kasalukuyan nang abala si Jimmy sa kanyang YouTube channel na 'Jimmy Saints' kung saan mahigit 270,000 na ang kanyang subscribers
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumayo ang komedyante at TV host na si Jimmy Santos sa Angeles City upang matunton ang pagawaan ng uling sa Barangay Sapangbato.
Nalaman ng KAMI na bukod sa pagdayo nito sa ulingan, ibinahagi niya ang magandang tanawin na makikita sa Clark Sun Valley Country Club.
Game na game si Jimmy sa paglakad-lakad sa preskong lugar ng nasabing barangay.
At nang matunton ang pagawaan ng uling, ipinakita nila kung paano ito ginagawa.
Mula sa pagsasalansan ng kahoy, hanggang sa pagbubuhat ng sako-sakong uling ay talagang hindi inurungan ni Jimmy.
Kapansin-pansin din na hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging komedyante kaya naman tuwang-tuwa rin sa kanya ang mga taong nakasalamuha niya roon.
Narito ang kabuuan ng video mula sa kanya mismong YouTube channel na 'Jimmy Saints.':
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Si Jimmy Santos ay naging basketbolista bago pa man niya pinasok ang mundo ng showbiz. Taong 1970 nang magsimula siyang lumabas sa mga pelikula kasama si Fernando Poe Jr. Nakilala naman siya sa pagpapatawa nang maging bahagi siya ng Iskul Bukol at T.O.D.A.S.: Television's Outrageously Delightful All-Star Show.
Una nang naiulat ng KAMI ang umano'y sideline ni Jimmy sa palengke na bahagi lamang ng kanyang vlog.
Mula nang hindi na ito napanood sa Eat Bulaga, pinasok na rin ng komedyante ang mundo ng pagiging isang YouTuber. Kasalukuyan na siyang mayroong 277, 000 na mga subscribers.
Samantala, naging usap-usapan kamakailan ang matagal na pagkawala ni Ruby Rodriguez sa nasabing noontime show. Kinalaunan, inamin niyang nagkaroon na siya ng ibang trabaho sa ibang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh