Miss Grace, nagbahagi ng picture kasama ang isang mystery guy

Miss Grace, nagbahagi ng picture kasama ang isang mystery guy

- Nagbahagi si Miss Grace ng mga pictures niya sa kanyang pagbabakasyon dito sa Pilipinas

- Sa isang post ay makikitang may kasama siyang isang lalaki ngunit nakatakip ang mukha nito

- Kaya naman, marami ang naintriga kung sino ang lalaking ito na kasama niya sa Boracay

- Marami naman ang masaya para sa kanya dahil anila ay deserve ni Miss Grace na maging masaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Miss Grace ay nagbahagi siya ng mga pictures niya sa kanyang pagbabakasyon dito sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang post ay kuha sa Boracay at may kasama siyang isang mystery guy.

Miss Grace, nagbahagi ng picture kasama ang isang mystery guy
Miss Grace, nagbahagi ng picture kasama ang isang mystery guy (@withmissgrace)
Source: Instagram

Nakatakip ang mukha nito kaya marami ang nagtanong kung sino daw ang lalaking kasama niya. Gayunpaman, marami naman ang masaya para sa kanya dahil anila ay deserve ni Miss Grace na maging masaya:

Read also

Batangas Vice Governor Mark Leviste, punong-puno ng pag-asa na gagaling si Kris Aquino

Post it sa Instagram Ms. MissGrace Tee yieehh I'm so happy for you
Sobrang happy kami for you miss grace! Gigil na rin kami sa face reveal

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Omgggggg sino po sya hihih kaabang abang po

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctoral Degree in Nursing.

Matatandaang nagbahagi si Miss Grace ng kanyang mga pictures sa kanyang social media account. Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya. Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram. Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi.

Read also

Kasambahay na pumasa sa Licensure exams for teachers, inspirasyon ang hatid sa marami

Nag-post din si Ms. Grace ng isang TikTok video kung saan nag-dub siya tungkol sa pagmo-move on. Marami ang naaliw sa kanyang video kung saan sinabi niyang "Pag-naka move-on ka na ay saka mo lang marealize na ang pangit pala ng ex mo." May mga nagkomento sa naturang post at naghayag ng kanilang suporta kay Grace at masaya umano silang makitang nagmo-move on na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel