Batangas Vice Governor Mark Leviste, umaming siya si "Marc"

Batangas Vice Governor Mark Leviste, umaming siya si "Marc"

- Nilinaw ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na Marc ang tamang pagbaybay sa kanyang nickname

- Ginamit na lamang daw niya sa social media at sa mga political materials

- Gayunpaman, aniya ay pwede din niyang gamitin ang K sa loveteam nila na MarKris

- Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Kris Aquino ang tungkol sa relasyon niya kay "Marc"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na Marc ang tamang pagbaybay sa kanyang nickname. Gayunpaman, aniya ay pwede niya ring gamitin ang K sa love team nila na MarKris.

Vice Goveernor Mark Leviste, umaming "Marc" ang kanyang nickname
Vice Goveernor Mark Leviste, umaming "Marc" ang kanyang nickname (@krisaquino)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story, nilinaw niyang ginamit niya ang Mark sa kanyang social media pages at political materials ngunit Marc daw ang tamang baybay sa pangalan niya.

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Kris Aquino ang tungkol sa relasyon niya kay "Marc." Marami ang nagtanong kung sino ang tinutukoy ni Kris ngunit si Vice Gov. Leviste ay ilang beses nang pumunta sa Amerika para kay Kris.

Isa sa ilang post din ni Vice Gov. ay pinapakita niya ang pagpapahalaga niya sa tinaguriang "Queen of all Media.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel