Sarah Geronimo, nagbahagi ng picture kasama si John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo, nagbahagi ng picture kasama si John Lloyd Cruz

- Binahagi ni Sarah Geronimo ang picture niya kasama ang dating nakaparehang si John Lloyd Cruz

- Kuha iyon sa Viva na siyang humahawak kay Sarah Geronimo sa loob ng mahabang taon

- Tila nagbigay naman ng hint si Sarah na may gagawin silang pelikula ni John Lloyd Cruz

- Ginamit niya ang movie camera emoji na tila nagpapahiwatig na muli silang magkakaroon ng pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagkasama sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Sa caption ng post ni Sarah ay ginamit niya ang movie camera emoji na tila nagpapahiwatig na muli silang magkakaroon ng pelikula.

Sarah Geronimo, nagbahagi ng picture kasama si John Lloyd Cruz
Sarah Geronimo, nagbahagi ng picture kasama si John Lloyd Cruz (@justsarahgph)
Source: Instagram

Marami naman ang natuwa na makita silang magkasama at posibleng magkasama sa isang bagong pelikula. Matatandaang ilang beses din silang pinagtambal sa pelikula at talaga namang pinilhan at tinangkilik ang kanilang pelikula.

Read also

Miss Grace, nagbahagi ng picture kasama ang isang mystery guy

Simula nang mapagtambal sa pelikula, nakilala ang kanilang tambalan bilang "AshLloyd." Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Omg sarah giving us a hint! From ashboo to ashlyod

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Oo na marupok na po AshLloyd heart ko!!
Nag uumapaw na kilig at tuwa ❤️ sana makita na natin sila this time!

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng -ashmatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.

Read also

Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan, binahaging nagkaayos na sila

Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Kalakip ng kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel