Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan, binahaging nagkaayos na sila

Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan, binahaging nagkaayos na sila

- Nagkaayos na sina Veybillyn Gorens at Sachzna laparan matapos ang kanilang kontrobersiyal na sagutan

- Sa post ni Veybillyn, hiniling niya na sana ay matigil na ang pangba-bash lalo at nagkausap at nagkaayos naman na sila ni Sachzna

- Pinasalamatan din nito ang nanay ni Sachzna dahil sa aniya'y pagiging fair nito

- Para naman kay Sachzna, marami siyang natutunang aral sa mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkaayos na sina Sachzna laparan at Veybillyn Gorens matapos ang kanilang naging sagutan kamakailan. Sa post ni Veybillyn, hiniling niya na sana ay matigil na ang pangba-bash lalo at nagkausap at nagkaayos naman na sila ni Sachzna.

Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan, binahaging nagkaayos na sila
Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan, binahaging nagkaayos na sila (@sachzna)
Source: Instagram

Ani Veybillyn, mahalaga sa kanila ang pagkakaibigan nila kaya pinili nilang ayusin ang problema.

Maraming misunderstandings sa lahat mas umiral samin parehas ang galit pero ang mahalaga ngayon napag usapan na sya ng maayos personal dahil mas mahalaga saamin ang pagkakaibigan. Nakapag patawad at let go na po kami sa lahat kaya sana kayo rin po

Read also

Nora Aunor, masayang nagdiwang ng 70th birthday lalo't kumpleto ang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para naman kay Sachzna, marami siyang natutunang aral sa mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw.

Hehe ok na both sides pasensya na sa tatlong araw nyong walang tulog. Daming lesson learned lalo na sa sarili ko.

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017). Kamakailan ay naging usap-usapan din ang umano'y hiwalayan nila ni Jerome Ponce kasunod ng pag-unfollow nila sa isa't-isa.

Nagbahagi si Sachzna Laparan ng isang picture kung saan makikita ang quote tungkol sa manipulation . Ito ay sa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Jerome Ponce kasunod ng kanyang binahaging video na "docuweek" . Bukod pa dito ay nag-unfollow na sila ni Jerome Ponce sa isa't-isa sa kanilang Instagram .Gayunpaman, wala pa silang direktang pag-amin kaugnay sa estado ng kanilang relasyon.

Read also

Ogie, sinabing sina Vice at Liza ang mga naging alaga na 'di niya malilimutan

Masayang Sachzna Laparan ang makikita sa bagong Instagram post niya na kuha sa kanyang Singapore trip. Makikita sa kanyang post na tumatawa ito kasama ang mga kaibigan at sa kanyang caption ay nakalagay ang "so far, so good" . Ito ay ilang araw lamang matapos niya ibahagi ang video kung saan makikitang umiiyak siya at nagtatanong kung ano ang kulang sa kanya .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel