Sachzna Laparan, nag-post ng mensahe tungkol sa "manipulation"

Sachzna Laparan, nag-post ng mensahe tungkol sa "manipulation"

- Nagbahagi si Sachzna Laparan ng isang picture kung saan makikita ang quote tungkol sa manipulation

- Ito ay sa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Jerome Ponce kasunod ng kanyang binahaging video na "docuweek"

- Bukod pa dito ay nag-unfollow na sila ni Jerome Ponce sa isa't-isa sa kanilang Instagram

- Gayunpaman, wala pa silang direktang pag-amin kaugnay sa estado ng kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpost si Sachna Laparan ng isang makahulugang mensahe patungkol sa "manipulation. Sa kanyang Instagram stories ay naibahagi niya ang isang picture quote tungkol sa pagmamanipula.

Sachzna Laparan, nag-post ng mensahe tungkol sa "manipulation"
Sachzna Laparan, nag-post ng mensahe tungkol sa "manipulation" (@sachzna)
Source: Instagram
Manipulation is when they blame you for your reaction to their disrespect. Read that again.
Sachzna Laparan, nag-post ng mensahe tungkol sa "manipulation"
Sachzna Laparan, nag-post ng mensahe tungkol sa "manipulation" (@sachzna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Kylie Padilla, nagbahagi ng mga pictures na kuha sa camping nila kasama ang dalawang anak

Kasunod nga ng kanyang viral na video kung saan makikita siyang umiiyak, napansin ng netizens na naka-unfollow na sila ni Jerome Ponce sa isa't-isa. Burado na rin ang picture nila sa IG ng isa't-isa.

Bukod pa dito, hindi na rin makita sa YouTube channel ni Sachzna ang huling video ng bakasyon nila ni Jerome na nabahagi niya noong nakaraang buwan. Wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa tungkol sa napapabalitang hiwalayan.

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Inamin ni Sachzna na apektado siya sa lumabas na isyu matapos ang nasabi ni Zeinab Harake sa kanyang live video. Kaugnay ito sa malapit niyang kaibigang si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl na ayon kay Zeinab ay may nasabi din tungkol kay Sachzna. Hindi naman umano siya masyadong nasaktan sa sinabi ni Zeinab na wala naman siyang mapapala kung makikipag-collab siya kay Sachzna dahil totoo naman umano ito. Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya.

Read also

Sachzna Laparan, inaming may masakit na pinagdadaanan: "Anong kulang sa akin?"

Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Jomar Lovena at Sachzna. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel