Sachzna Laparan, inaming may masakit na pinagdadaanan: "Anong kulang sa akin?"

Sachzna Laparan, inaming may masakit na pinagdadaanan: "Anong kulang sa akin?"

- Ibinahagi ni Sachzna Laparan ang isang panibagong video kung saan makikita ang kanyang pag-iyak dahil sa kanyang pinagdadaanan

- Wala itong direktang pag-amin kung ano ang tinutukoy niya ngunit nagtatanong siya kung ano ang kulang sa kanya

- Pinapatahan naman nsiya ng kanyang ina na nagsabing nagmahal lamang ng totoo ang anak at wala siyang maling ginawa

- Sa naturang video ay kapansin-pansin na hindi niya kasama si Jerome Ponse at burado na rin ang mga pictures nilang magkasama sa kanilang Instagram

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Sachzna Laparan sa kanyang bagong vlog ang video ng kanyang pag-iyak habang dinadamayan siya ng kanyang ina. Natanong pa nito ang sarili kung ano ang kulang sa kanya.

Sachzna Laparan, inaming may masakit na pinagdadaanan: "Anong kulang sa akin?"
Sachzna Laparan, inaming may masakit na pinagdadaanan: "Anong kulang sa akin?" (@sachzna)
Source: Instagram

Kapansin-pansin din nahindi sila magkasama ni Jerome Ponce sa kanyang vlog at maging ang mga pictures nila sa IG ng isa't-isa ay hindi na rin makita. Wala mang direktang pag-amin ay marami ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Sachzna sa gitna ng pinagdadaanan nito.

Read also

Vice Ganda, tawang-tawa sa maling post tungkol sa pagbubuntis ni Kris Bernal na umano ay "18 months" na

Samantala, noong isang buwan ay naibahagi pa ni Sachzna ang video ng bakasyon nila ni Jerome.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Inamin ni Sachzna na apektado siya sa lumabas na isyu matapos ang nasabi ni Zeinab Harake sa kanyang live video. Kaugnay ito sa malapit niyang kaibigang si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl na ayon kay Zeinab ay may nasabi din tungkol kay Sachzna. Hindi naman umano siya masyadong nasaktan sa sinabi ni Zeinab na wala naman siyang mapapala kung makikipag-collab siya kay Sachzna dahil totoo naman umano ito. Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya.

Read also

Cristy, todo puri si Barbie Forteza: "Kasing kinis ng iyong kutis ang paghanga namin sa'yo"

Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Jomar Lovena at Sachzna. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel