Kylie Padilla, nagbahagi ng mga pictures na kuha sa camping nila kasama ang dalawang anak

Kylie Padilla, nagbahagi ng mga pictures na kuha sa camping nila kasama ang dalawang anak

- Naibahagi ni Kylie Padilla ang pictures at video nila ng kanyang dalawang anak na sina Alas at Axel

- Base sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang kanilang tent ay nag-camping silang mag-iina

- Sa isang picture ay marami ang nakapansin na tila may kasama pa silang isa pang tao

- Naka-tag din ang Instagram account na may handle na @viswanatha.mahadheva

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa binahaging post ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram, makikita ang bonding moment nila ng kanyang dalawang anak. Sa isang picture ay marami ang nakapansin na tila may kasama pa silang isa pang tao.

Kylie Padilla, nagbahagi ng mga picture sa camping kasama ang mga anak
Kylie Padilla, nagbahagi ng mga picture sa camping kasama ang mga anak (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Marami tuloy ang napatanong kung sino ang kanilang kasama sa naturang camping. Naka-tag din ang Instagram account na may handle na @viswanatha.mahadheva.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Sachzna Laparan, inaming may masakit na pinagdadaanan: "Anong kulang sa akin?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel