Batangas Vice Governor Mark Leviste, punong-puno ng pag-asa na gagaling si Kris Aquino

Batangas Vice Governor Mark Leviste, punong-puno ng pag-asa na gagaling si Kris Aquino

- Ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, naniniwala siyang may pag-asang gumaling si Kris Aquino sa dinaramdam nito

- Sa panayam ni Butch Francisco ng Pikapika.ph ay nagbahagi si VG Mark tungkol sa kanilang kwento

- Ikinuwento niya rin ang tungkol sa binigay ni Kris sa kanya na trinity ring na aniya ay sumisimbolo sa tatlong bagay

- Ito umano ay love, friendship at fidelity at aniya ay kaya niyang panindigan ito lalo na ang fidelity at loyalty

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinuwento ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang tungkol sa kanila ni Kris Aquino. Sa panayam ni Butch Francisco ng Pikapika.ph ay nagbahagi si VG Mark ng kwento lalo na tungkol sa trinity ring na binigay ni Kris sa kanya.

Batangas Vice Governor Mark Leviste, punong-puno ng pag-asa na gagaling si Kris Aquino
Batangas Vice Governor Mark Leviste, punong-puno ng pag-asa na gagaling si Kris Aquino (@markleviste)
Source: Instagram

Aniya, ang trinity ring ay sumisimbolo sa love, friendship at fidelity at aniya ay kaya niyang panindigan ito lalo na ang fidelity at loyalty.

Read also

Vice Ganda, ibinida ang pagsayaw ng It's Showtime family kahit maulan

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ni Kris na binigay niya ang naturang singsing kay VG Mark.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate