Coco Martin at Julia Montes, napaamin sa relasyon: "12 years na kaming magkasama.."

Coco Martin at Julia Montes, napaamin sa relasyon: "12 years na kaming magkasama.."

- Napaamin sina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang relasyon sa isang panayam ni MJ Felipe

- Ayon kay Coco, hindi naman na sila bata at hangga't maari ay pinapahalagahan nila ni Julia ang privacy para iwas na rin sila sa intriga at isyu

- Gayunpaman, tila nadulas si Coco nang sabihin niyang 12 years na silang magkasama

- Wala na silang magawa kundi kumpirmahin nang tanungin sila ni MJ na taong 2011 ang kanilang anniversary

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napaamin sa wakas sina Coco Martin at Julia Montes sa napapabalitang relasyon nila sa panayam ni MJ Felipe sa kanila. Ayon kay Coco, hindi naman na sila bata at hangga't maari ay pinapahalagahan nila ni Julia ang privacy para iwas na rin sila sa intriga at isyu.

Read also

Kasambahay na pumasa sa Licensure exams for teachers, inspirasyon ang hatid sa marami

Coco Martin at Julia Montes, napaamin sa relasyon: "12 years na kaming magkasama.."
Coco Martin at Julia Montes, napaamin sa relasyon: "12 years na kaming magkasama.." (@montesjulia08)
Source: Instagram

Habang nagsasalita ay nabanggit ni Coco na 12 taon na silang magkasama. Kaya naman wala na silang magawa kundi kumpirmahin nang tanungin sila ni MJ na taong 2011 ang kanilang anniversary.

Para naman kay Julia, hindi nawala sa relasyon nila ang Panginoon kaya naniniwala siyang kung ano man ang narating nila ay dahil sa paggabay sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matagal nang napapabalitang may namamagitan sa dalawa matapos silang mamamataang magkasama nang ilang beses sa iba't-ibang lugar. Gayunpaman, walang diretsahang pag-amin mula sa kanila tungkol dito. Ayon pa kay Coco, kung ano sa tingin ng tao ang meron sila ay iyon na yun.

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth-oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Read also

Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan, binahaging nagkaayos na sila

Kamakailan ay nagbahagi si Julia Montes ng video niya. Umani ng mga puri at positibong komento ang post na ito ni Julia sa kanyang Instagram feed. Marami ang nakapansin sa kanyang kagandahan sa naturang video kung saan sinabi niyang naghahanda siya para sa isang pelikula. Agad na nag-viral ang post na ito ni Julia.

Kabilang sina Julia at Coco Martin sa mga personalidad na dumalo sa ginanap na birthday party para sa ABS-CBN Executive na si Deo Endrinal. Marami din na mga TV personalities ang naroroon sa naturang party. Kabilang sa mga naroroon din ay ang mga Kapamilya stars na sina Dimples Romana, Andrea Brillantes, Alexa Ilacad, at Cherry Pie Picache.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel