Jhong Hilario, pinakita ang video ni Sarina na nagtampo sa kanya

Jhong Hilario, pinakita ang video ni Sarina na nagtampo sa kanya

- Kinaaliwan ang mag-amang Jhong Hilario at Sarina sa binahaging video ng TV host

- Makikita ang mag-ama na nakahiga habang naunang kumanta si Jhong at si Sarina ay naghintay para siya naman ang kakanta

- Kinanta niya ang awiting "Moon River" ngunit hindi na niya tinapos ang pagkanta dahil ayon kay Jhong ay nagtampo ito

- Ito ay matapos kantahin ni Jhong ang ilang bahagi ng kanta para sana ma-engganyong kumanta si Sarina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jhong Hilario ang nakakaaliw na video ng anak niyang si Sarina na nagtampo sa kanya. Nagtampo daw ito kasi inagawan ng kanta sa karaoke.

Jhong Hilario, pinakita ang video ni Sarina na nagtampo sa kanya
Jhong Hilario, pinakita ang video ni Sarina na nagtampo sa kanya (@jhonghilario)
Source: Instagram

Makikita sa naturang video na nakahiga ang mag-ama. Naunang kumanta si Jhong ng awiting "Fly Me to the Moon" habang nakikinig si Sarina at pinapaalala na siya rin ang kakanta pagkatapos ng kanyang Daddy.

Kinanta niya ang awiting Moon River habang sinusubukan naman siyang sabayan ni Jhong para maengganyong kumanta si Sarina. Gayunpaman, hindi na ito tumuloy sa pagkanta nang kantahin ni Jhong ang naturang kanta.

Tag mo yung kaibigan mong nagtampo kasi inagawan mo ng kanta sa karaoke. Sorry na Sari...

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Utas na ako sau Sari. Sabi na kasing wag sasabat eh. Turn nya na eh!
Pasaway ba si Daddy mo, Sari? Not following instructions hahahaha
Ang cute ni Sarina. Daddy naman kase nang agaw ng line eh ,tampo tuloy

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate