Rendon Labador kay Michael V: "Masakit na katotohanan na laos na kayo"
- Usap-usapang muli si Rendon Labador matapos niyang magkomento kaugnay sa pahayag ni Michael V tungkol sa mga content creator
- Ani Michael, ang unang bagay na dapat maintindihan ng mga content creator ang salitang content
- Ayon naman kay Rendon, laos na ang mga nasa mainstream media at ang mga influencers na daw ang celebrities sa kasalukuyan
- Dagdag pa ni Rendon ay dapat manahimik na lang ang mga celebrities kung hindi nila kayang makipagsabayan sa mga influencers sa paggawa ng content
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinagot ni Rendon Labador ang post ni Michael V. na dapat na maintindihan ng mga content creators ang salitang "content." Ayon naman kay Rendon, laos na ang mga nasa mainstream media at ang mga influencers na daw ang celebrities sa kasalukuyan.
Sa kanyang Facebook post ay binahagi ni Michael V ang screenshot ng isang article tungkol sa pahayag na ito ng komedyante. Ani Rendon, ang mga influencers na ang bagong celebrities.
INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh