Iwa Moto, nag-sorry sa taong inakala niya na nang-scam sa kanya: "She's also a victim"

Iwa Moto, nag-sorry sa taong inakala niya na nang-scam sa kanya: "She's also a victim"

- Nilinaw ni Iwa Motto na napag-alaman niyang mayroong identity theft na naganap kaugnay ng pang-iiscam sa kanya at sa iba pang mga biktima

- Minabuti niyang tanggalin na lang ang nauna niyang post kung saan nabanggit niya ang pangalan ng taong aniya ay biktima lang din

- Nag-sorry si Iwa sa taong ito at aminado siyang maging siya ay na-stress na rin sa mga nangyayari

- Ani Iwa, gusto lang daw niyang makuha ang hustisya sa mga na-scam ng taong ito at umabot na daw sa sampo ang mga taong nakausap niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi ng dispensa si Iwa Moto sa taong kanyang pinangalanan bilang scammer dahil napag-alaman niyang nabiktima lang din daw ito ng identity theft. Minabuti niyang tanggalin na lang ang unang post.

Read also

Kristel Fulgar, ibinida ang bagong 'oppa' sa kanyang vlog

Iwa Moto, nag-sorry sa taong inakala niya na nang-scam sa kanya: "She's also a victim"
Iwa Moto, nag-sorry sa taong inakala niya na nang-scam sa kanya: "She's also a victim" (@iam_iwa)
Source: Instagram

Nabanggit ni Iwa na umabot na sa sampo ang mga nakausap niyang biktima ng pang-iiscam. Aminado siyang na-stress na rin siya sa mga pangyayari.

Gusto lang daw ni Iwa na mabigyan ng hustisya ang mga taong nabiktima at mga natatakot din daw at na-stress ang mga ito.

Aniya, hindi na siya magbabahagi ng update sa social media dahil aniya ay medyo delikado na sitwasyo. Dagdag pa niya, kailangan niyang mag-ingat para sa kanyang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito. Ang kanyang partner na si Pampi Lacson ay may anak din kay Jodi Sta. Maria. Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Read also

Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: "Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"

Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ni Iwa Moto na umalma matapos niyang marinig ang umano'y pang-aasar sa kanyang boyfriend. Inaasar umano ng babaeng tinawag niya sa pangalang Karen ang babaeng kanyang nireto kay Pampi noon. Aniya, siguraduhin lang nito na hindi niya naririnig ang pang-aasar niya sa kanyang boyfriend at sinabihan niya itong huwag magpapakita sa kanya. Dagdag pa ni Iwa, huwag na rin itong tatawag kay Pampi at pinag-iinit umano nito ang ulo ng aktres.

Kamakailan ay nabiktima ng prank ni Iwa ang mga tao sa kanilang bahay sa pamamagitan ng isang lighter. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Iwa ang video ng kinalabasan ng kanyang prank. Kabilang sa kanyang mga na-prank ay ang anak nina Jodi at Pampi na si Thirdy Lacson. Pinakakinaaliwan nila ang reaksiyon ng kasambahay nilang si Joan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate