Iwa Moto, hindi pinalampas ang pagrereto sa kanyang boyfriend

Iwa Moto, hindi pinalampas ang pagrereto sa kanyang boyfriend

- Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ni Iwa Moto na umalma matapos niyang marinig ang umano'y pang-aasar sa kanyang boyfriend

- Inaasar umano ng babaeng tinawag niya sa pangalang Karen dahil sa inaasar umano nito ang babaeng kanyang nireto kay Pampi noon

- Aniya, siguraduhin lang nito na hindi niya naririnig ang pang-aasar niya sa kanyang boyfriend at sinabihan niya itong huwag magpapakita sa kanya

- Dagdag pa ni Iwa, huwag na rin itong tatawag kay Pampi at pinag-iinit umano nito ang ulo ng aktres

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maitago ni Iwa Moto ang kanyang pagka-imbyerna matapos niyang marinig ang umano'y pang-aasar ng isang babaeng pinangalanan niyang Karen. Inaasar umano nito si Pampi sa babaeng kanyang nireto kay Pampi noon.

Iwa Motto, hindi pinalampas ang pagrereto sa kanyang boyfriend
Instagram/@iam_iwa
Source: Instagram

Dahil sa kanyang pagkaasar, sinabi ni Iwa na huwag na itong tatawag sa kanyang boyfriend at pinag-iinit nito ang ulo niya. Dagdag pa ni Iwa, siguraduhin lang nito na hindi niya naririnig ang pang-aasar niya sa kanyang boyfriend.

Read also

Kylie Verzosa, lakas-loob nang naikwento ang biglaang pag-iyak sa It's Showtime

Girl kung aasarin mo si Pampi sa babaeng nirereto mo sakanya dati. Siguraduhin mong di ko naririnig ah. Karen (di ko alam last name) wag ka na papakita sakin ah. Wag ka na din tatawag sa boyfriend ko. Pinag iinit mo ulo ko eh.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Base sa kanyang sagot sa comment section nang tanungin siya kung sino ang pinatutungkulan nito, sinabi ni Iwa na hindi niya rin alam ang apelyido dahil kung alam niya ay i-ta-tag daw talaga niya.

d ko alam last name eh kung alam ko lang kilala mo ako marse i tatag ko sya

Si Iwa Moto ay isang aktres na unang nakilala sa reality talent search ng GMA-7, ang Starstruck kung saan hinirang siyang 1st Runner up sa 3rd season nito.

Si Pampi ay may anak din kay Jodi Sta. Maria. Marami ang natutuwa sa magandang samahan nina Iwa at ex ni Pampi na si Jodi. Sa katunayan, may mga pagkakataon na namamataan silang magkasama.

Maging ang anak ni Pampi at Jodi na si Thirdy ay malapit din kay Iwa. Marami ang natuwa sa sweet na Birthday message ni Iwa para sa kanyang stepson.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel