Michelle Madrigal, may tips sa pag move on sa divorce: “Always choose you”
- Ipinaliwanag ni Michelle Madrigal na maraming positibong bagay na maaaring mangyari matapos ang isang divorce
- Ayon kay Michelle, kasama na rito ang pagkakaroon ng oras para sa mga pangarap sa buhay sa nakalimutan noon
- Pwede rin ma-rediscover ang mga values at priorities na napabayaan noon dahil sa ka-relasyon
- Mas maaaring matuto rin ng self-love at self-care kapag natapos na ang isang toxic na relasyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbahagi si Michelle Madrigal ng mga words of wisdom para sa mga divorcees. Matatandaang nag-divorce sina Michelle at ang dati nitong asawa na si Troy Woolfolk.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram post, ipinaliwanag ni Michelle na maraming positibong bagay na maaaring mangyari matapos ang isang divorce.
Kasama na rito ang pagkakaroon ng oras para sa mga pangarap sa buhay sa nakalimutan noon.
Maaari rin ma-rediscover ang mga values at priorities na napabayaan noon dahil sa ka-relasyon. Dagdag pa niya, mas maaaring matuto ng self-love at self-care matapos ang divorce.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Gayunpaman, sinabi ni Michelle na mahalagang magkaroon ng matibay na support system ang isang taong nagdaan sa divorce. Mahalaga rin daw na huwag lumayo sa bagong friendships at relationships kahit na natapos ang nakaraang relasyon.
“Always choose YOU.
“After a divorce, you may feel liberated to reclaim your own identity and pursue your goals and passions without distractions or compromises. You may rediscover your own values and priorities that might have been neglected or suppressed during the marriage.
“In addition, getting back to your truth after a divorce can mean cultivating deeper self-awareness, self-compassion, and self-care. You may take more time to reflect on your needs, desires, and boundaries, and learn to communicate them more effectively with others. You may also develop greater resilience, gratitude, and optimism as you navigate this new chapter of your life.
“Of course, moving on from a divorce is not always easy or linear. It may involve some setbacks, doubts, or fears as you step out of your comfort zone and face new challenges. But with the right support from friends, family, therapy, or other sources, you can gradually rebuild your confidence, trust, and happiness on your own terms.
“Ultimately, freedom after divorce is not about avoiding or rejecting relationships altogether, but rather about cultivating healthy, fulfilling, and authentic relationships that support your growth and well-being. It’s about staying true to yourself and your values, and not settling for less than you deserve,” Michelle said.
Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.
Biniyayaan si Michelle at si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi nila sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling. Eventually, nag-divorce na rin sina Michelle at Troy.
Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh