Solenn Heussaff, nawindang nang tumutol ang anak na may magpa-picture sa kanya

Solenn Heussaff, nawindang nang tumutol ang anak na may magpa-picture sa kanya

- Naibahagi ni Solenn Heussaff na mayroon raw strong personality ang panganay na anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane

- Sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan magkasama ang magkaibigang Solenn at Raymond Gutierrez, nakwento niya ang pagkagulat niya sa inasal ng kanyang anak

- Aniya, may pagkakataong habang naglalakad sila sa park at magkasabay ang mag-ama habang siya ay nakasunod at may gustong magpa-picture sa kanya

- Agad daw lumingon si Tili at nagsabing hindi "no photos! Mama! Mama!"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Solenn Heussaff, mayroong strong personality ang anak niyang si Tili. Ikinawindang niya ang aniya'y pagpapakita nito ng kanyang personality kahit may ibang tao.

Solenn Heussaff, nawindang nang tumutol ang anak na may magpa-picture sa kanya
Solenn Heussaff, nawindang nang tumutol ang anak na may magpa-picture sa kanya (@solenn)
Source: Instagram

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan magkasama ang magkaibigang Solenn at Raymond Gutierrez, nakwento niya ang pagkagulat niya sa inasal ng kanyang anak.

Read also

Bianca King, nanganak na sa panganay nila ng mister na si Ralph Wintle

"Like if we're going to the park and someone wanted a photo with me so she's walking with the dad ahead. She looks back and says, "no photos! Mama! Mama!"

Humihingi na lamang daw ng dispensa si Solenn at pinapaliwanagan ang mga taong nakakasaksi nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I will say, sorry, pasensya na po. I swear she's really nice!"

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Nico sa isang Instagram post ang tungkol sa pagsilang sa ikalawang anak nila ni Solenn. Aniya, hahayaan niyang ang asawa niyang si Solenn ang magpakilala sa publiko sa pangalawang anak ngunit ang segurado raw ay "Lionel" ang ikalawang pangalan ng anak. Naibahagi niya rin na masaya at maayos ang kalusugan ng kanyang maybahay. Bumuhos naman ang pagbati at marami ang naaliw sa pagiging palabiro ni Nico maging sa pagbabahagi ng pangyayari sa kanilang buhay.

Read also

Piolo Pascual, ibinida ang picture kasama sina Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Diether Ocampo

Kamakailan ay binahagi ni Solenn ang video na kuha noong siya ay manganak sa pangalawang pagkakataon. Aniya, mas naging madali ang kanyang panganganak sa pangalawang baby na kanilang pinangalanang Maëlys Lionel. Natatawa lang si Solenn habang inamin niyang hango sa pangalan ng sikat na Argentinian professional footballer na si Lionel Messi. Matatandaang hindi maitago ni Nico ang kanyang galak nang manalo ang bansang Argentina sa World Cup 2022 kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel