Solenn Heussaff at Nico Bolzico, pinangalanang Maëlys Lionel ang kanilang pangalawang anak

Solenn Heussaff at Nico Bolzico, pinangalanang Maëlys Lionel ang kanilang pangalawang anak

- Binahagi ni Solenn Heussaff ang video na kuha noong siya ay manganak sa pangalawang pagkakataon

- Aniya, mas naging madali ang kanyang panganganak sa pangalawang baby na kanilang pinangalanang Maëlys Lionel

- Natatawa lang si Solenn habang inamin niyang hango sa pangalan ng sikat na Argentinian professional footballer na si Lionel Messi

- Matatandaang hindi maitago ni Nico ang kanyang galak nang manalo ang bansang Argentina sa World Cup 2022 kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Solenn Heussaff na hango sa pangalan ng sikat na Argentinian professional footballer na si Lionel Messi ang pangalang binigay nila sa pangalawang anak nila ni Nico Bolzico. Pinangalanan nilang Maëlys Lionel ang bunsong anak.

Solenn Heussaff at Nico Bolzico, pinangalanang Maëlys Lionel ang kanilang pangalawang anak
Solenn Heussaff at Nico Bolzico, pinangalanang Maëlys Lionel ang kanilang pangalawang anak (@solenn)
Source: Instagram

Sa panibagong video na naibahagi ni Solenn, pinakita niya ang kanilang naging ganap bago siya nanganak. Pumunta pa silang mag-asawa sa paaralan ni Tili para manood ng kanyang recital.

Read also

Trina Candaza, humirit tungkol sa kaliwaang pag-iiwan sa pamilya

Hindi naman maitago ni Nico ang kanyang kaba habang pinapanood ang kanyang misis na nanganganak. Pinakita pa nito ang panginginig ng kanyang kamay. Ayon naman kay Solenn, naging mas madali ang panganganak niya ngayon kung ikukumpara noong una siyang nanganak sa panganay nilang si Tili.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Binahagi kamakailan ni Nico Bolzico ang ilang pictures nila ng ank na si Tili sa kanilang biyahe papuntang Argentina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Nico na kinailangan nilang magbiyahe na mag-ama nang hindi kasama si Solenn. Sa kanyang binahaging mga pictures ay makikita ang ginawang paraan ni Nico para hindi mainip ang anak sa kanilang mahabang biyahe.

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Nico sa isang Instagram post ang tungkol sa pagsilang sa ikalawang anak nila ni Solenn. Aniya, hahayaan niyang ang asawa niyang si Solenn ang magpakilala sa publiko sa pangalawang anak ngunit ang segurado raw ay "Lionel" ang ikalawang pangalan ng anak. Naibahagi niya rin na masaya at maayos ang kalusugan ng kanyang maybahay. Bumuhos naman ang pagbati at marami ang naaliw sa pagiging palabiro ni Nico maging sa pagbabahagi ng pangyayari sa kanilang buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel