Trina Candaza, humirit tungkol sa kaliwaang pag-iiwan sa pamilya

Trina Candaza, humirit tungkol sa kaliwaang pag-iiwan sa pamilya

- Binahagi ni Trina Candaza ang kanyang pagpromote ng perfume sa pamamagitan ng kanyang social media post

- Kalakip nito ay ang hirit kaugnay sa umano'y kaliwaang pag-iiwan sa pamilya

- Ito ay sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa mga showbiz couples nitong mga nakaraang araw

- Hindi pinalampas ni Trina ang isang netizen na tila nagtanggol pa sa dating karelasyon ni Trina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinaan ni Trina Candaza sa simpleng hirit tungkol sa umano'y kaliwaang pag-iiwan sa pamilya ang kanyang pag-endorso ng kanyang perfume. Umani ng mga komento ang kanyang post.

Trina Candaza, humirit tungkol sa kaliwaang pag iiwan ng pamilya
Trina Candaza, humirit tungkol sa kaliwaang pag iiwan ng pamilya (@jose_liwanag)
Source: Instagram

Ani Trina, "Pabango muna tayo para bumango naman ihip ng hangin, kaliwaan pag iiwan ng pamilya eh." Kalakip ito ng kanyang picture hawak ang binebenta niyang pabango.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Hindi din niya napigilang sagutin ang isang netizen na aniya ay nagbura ng kanyang komento kaugnay sa isyu.

Si Trina Candaza ang dating karelasyon ni Carlo Aquino. Si Carlo ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Read also

Vlog ni Donnalyn Bartolome kung saan sinabi niyang nagkaroon siya ng sportscar sa edad na 16, usap-usapan

Kamakailan ay muling namataan si Carlo Aquino kasama ang aktres na si Charlie Dizon sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa. Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie ng picture kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres. Ang huling napabalitang karelasyon ni Carlo ay si Trina Candaza na siyang ina din ng anak niyang si Mithi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel