Bianca King, nanganak na sa panganay nila ng mister na si Ralph Wintle

Bianca King, nanganak na sa panganay nila ng mister na si Ralph Wintle

- Binahagi ni Bianca King sa kanyang post na siya ay nakapanganak na rin sa panganay nilang anak ni Ralph Wintle

- Sa kanyang Instagram post ay makikita ang kanyang picture na kuha noong siya ay 32 weeks at 36 weeks na buntis

- Sa ika-46 weeks ay karga niya na ang kanilang baby na hindi pa pinapakita ni Bianca nang malapitan ang mukha

- Bumuhos naman ang pagbati sa aktres na nagbahagi tungkol sa panganganak kasunod lang ng pag-anunsiyo ni Iza Calzado

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanganak na rin si Bianca King at naibahagi niya ito sa kanyang post sa Instagram. Sa kanyang IG post ay makikita ang kanyang picture na kuha noong siya ay 32 weeks at 36 weeks na buntis. Makikita din sa video ang picture niya sa ika-46 weeks kung saan karga na niya ang baby.

Read also

Piolo Pascual, ibinida ang picture kasama sina Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Diether Ocampo

Bianca King, nanganak na sa panganay nila ng mister na si Ralph Wintle
Bianca King, nanganak na sa panganay nila ng mister na si Ralph Wintle (@bianca_king)
Source: Instagram

Aniya, sana ay nag-picture din siya noong 41 weeks siya dahil malaki daw ang kanyang tiyan ngunit hindi na niya nagawa dahil tinamad daw siya.

Still pregnant! Just kidding 32 weeks, 36 weeks and 46 weeks. I wish I shot myself at 41 weeks because I was so big but I was too lazy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos naman ang pagbati sa aktres na nagbahagi tungkol sa panganganak kasunod lang ng pag-anunsiyo ni Iza Calzado.

Si Bianca King ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleseryeng Sinner or Saint (2011), Mulawin (2004), Luna Blanca (2012) at Maghihintay Pa Rin. Napanood din siya sa Kapamilya teleseryeng Pusong Ligaw at Halik.

Isa si Bianca sa mga taong unang nakaalam tungkol sa pagbubuntis noon ni Sofia Andres na hindi kaagad nito pinaalam sa publiko. Nilinaw naman ni Bianca ang kanyang dahilan kung bakit minabuti niyang huwag magsalita tungkol dito. Naibahagi ni Bianca ang kanyang pangingibang-bansa at pagpapahinga mula sa showbiz.

Masayang isinapubliko ni Bianca ang isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay. Ikinasal na siya sa mismong living room ng bahay nila sa Australia kung saan siya kasalukuyang nanirahan. Matatandaang noong buwan ng Agosto taong 2020 nang isapubliko ni Bianca ang tungkol sa kanyang pangingibang bansa. Bumuhos naman ang pagbati sa aktres mula sa mga netizens sa kanyang kasamahan sa showbiz.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel