Piolo Pascual, ibinida ang picture kasama sina Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Diether Ocampo

Piolo Pascual, ibinida ang picture kasama sina Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Diether Ocampo

- Nag-post din si Piolo Pascual ng picture niya kasama ang kasabayan niyang sikat na leading men noong dekata 90

- Kasama niya sa binahagi niyang picture sina Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Diether Ocampo

- Maging si Jericho ay nag-post na rin ng pictures at video na kuha sa kanilang get-together kasama si Johnny Manahan

- Hindi naman mapigilan ng netizens na magbalik-tanaw matapos makita silang mga Star Magic Stars na magkakasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Piolo Pascual ng picture niya kasama ang mga kapwa sikat na leading men noong dekada 90 na sina Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Diether Ocampo. Hindi naman mapigilan ng netizens na magbalik-tanaw matapos makita silang mga Star Magic Stars na magkakasama.

Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images

Maging si Jericho ay nag-post din ng pictures at videos nila kasama ang iba pang dating Star Magic stars na sina Heart Evangelista, Bea Alonzo, Maja Salvador at maging si Kyle Echarri ay naroroon din.

Read also

Bianca King, nanganak na sa panganay nila ng mister na si Ralph Wintle

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naghayag sila ng kanilang pagmamahal kay Johnny Manahan o kilala din sa taweag nila bilang si Mr. M na siyang dating manager ng Star Magic.

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Sa vlog ni Moi Bien kung saan binahagi niya ang house tour ni Piolo sa kanyang rest house, kinaaliwan ang pagiging malapit ni Moi sa aktor. Binahagi ni Piolo kung gaano siya ka hands-on pagdating sa mga gawain sa kanyang rest house. Sa katunayan, siya mismo ang nagtatanim ng mga halaman sa paligid ng rest house. Sa isang bahagi ng vlog ay biniro pa ni Moi si Piolo sa paa nito dahil nangitim na umano ito.

Read also

Ellen Adarna, pinakita ang video ng piano lesson ni Elias

Sa kanyang Instagram post, muling pinakita ni Moi ang pictures nila ni Piolo. Aniya, may mga maiinggit na naman sa kanya dahil sa kanyang mga pinost na pictures kasama si Papa P. Nagbiro pa ito na malapit na umabot sa 50 anyos ang aktor at sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Piolo kamakailan nagbiro itong baka sila talaga ang nakatadhana kung single pa ito sa edad na 50. Marami naman sa netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa pagiging malapit ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel