Ellen Adarna, pinakita ang video ng piano lesson ni Elias

Ellen Adarna, pinakita ang video ng piano lesson ni Elias

- Nag-post si Ellen Adarna ng video kung saan makikita ang anak niyang si Elias Modesto na tumitipa sa piano

- Makikita sa video na tinutugtog ni Elias ang mga nota na itinuturo ng nagtuturo sa kanya

- Matatandaang nauna nang nabanggit ni Ellen ang tungkol sa pagsasailalim ng anak sa piano lessons

- Maging si Ellen ay marunong din tumugtog at paminsan-minsan ay naibabahagi niya ang kanyang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Ellen Adarna ang video ni Elias Modesto na tumutugtog ng piano. Sa kanyang Instagram stories, makikita si Elias na tumutugtog at nakikinig sa nagtuturo sa kanya.

Ellen Adarna, pinakita ang video ng piano lesson ni Elias
Ellen Adarna, pinakita ang video ng piano lesson ni Elias (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Nabanggit na rin ni Ellen ang tungkol sa pagsasailalim ng anak sa piano lessons. Maging si Ellen ay marunong din tumugtog at paminsan-minsan ay naibabahagi niya ang kanyang video kung saan tumutugtog siya ng piano kasabay ng kanyang pagkanta.

Read also

Yeng, naikwentong siya ang nagsulat ng ilang sumikat na kanta ng kapwa artist

Ellen Adarna, pinasilip ang pagsasanay ni Elias sa pag-piano
Ellen Adarna, pinasilip ang pagsasanay ni Elias sa pag-piano
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Ivana Alawi, kinagiliwan sa bagong video kasama sina Mona at Dr. Vicki Belo

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel