Sandara Park, kinaaliwan sa dance cover niya sa kanyang bagong single

Sandara Park, kinaaliwan sa dance cover niya sa kanyang bagong single

- Ibinida ni Sandara Park ang kanyang awiting Festival sa pamamagitan ng pagsayaw ng isang dance cover

- Habang nagsasayaw ay natanggal ang kanyang suot na tsinelas ngunit tuloy lang sa pagsayaw si Sandara

- Marami ang naaliw at napabalik-tanaw noong Coachella 2022 kung saan tumilapon din ang kanyang sapatos habang nagpe-perform sila ng kanyang grupong 2NE1

- May mga nagbiro pa tungkol sa umano'y hindi pagkakasundo ni Sandara at kanyang mga sapatos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Sandara Park ng video niya na sumasayaw sa bagong kanta niya na pinamagatang 'Festival.' Marami ang naaliw na kahit nagkanda-tanggal-tangal ang suot na tsinelas ay tuloy sa paghataw si Sandara.

Sandara Park, kinaaliwan sa dance cover niya sa kanyang bagong kanta
Sandara Park, kinaaliwan sa dance cover niya sa kanyang bagong kanta (@daraxxi)
Source: Instagram

Kasama niya sa naturang video na sumasayaw si Daesung ng KPop group na BigBang.

Marami tuloy ang napa-throwback sa nangyari sa KPop superstar noong Coachella 2022 kung saan tumilapon din ang kanyang sapatos habang nagpe-perform sila ng kanyang grupong 2NE1.

Read also

Billy Crawford, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya sa France

Narito ang ilan sa mga komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dara's never ending feud with her shoes
Why do you loose your one shoe so cuteeee together
And the flying shoe chronicles continues.

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004. Nakilala siya sa stage name niya bilang Dara. Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunpaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai. Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara. Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan.

Read also

JHS student na nakatanggap ng Php100,000 money garland mula sa kanyang tita, viral

Kamakailan ay sinagot ni Sandara ang isa sa kanyang Pinoy fans na pinuri ang Kpop idol dahil sa kanyang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang mga fans kahit ang mga Pinoy. Pinuri ng mga fans niya ang mga bagay na ginagawa nito para sa mga sumusuporta sa kanya kagaya na lamang ng pagsagot niya sa mga mensahe ng fans sa kanya sa social media. Ayon sa naturang fan, kahit busy si Sandara sa kasalukuyan ay nagrereply ito sa mga tweets sa kanya. Sagot naman ni Sandara, dahil din sa kanyang fans kaya niya nakamit ang kanyang tinatamasang kasikatan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel