Sandara Park sa kanyang Pinoy fans: "Im who I am right now because you guys"

Sandara Park sa kanyang Pinoy fans: "Im who I am right now because you guys"

- Sinagot ni Sandara Park ang isa sa kanyang Pinoy fans na pinuri ang Kpop idol dahil sa kanyang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang mga fans kahit ang mga Pinoy

- Pinuri ng mga fans niya ang mga bagay na ginagawa nito para sa mga sumusuporta sa kanya kagaya na lamang ng pagsagot niya sa mga mensahe ng fans sa kanya sa social media

- Ayon sa naturang fan, kahit busy si Sandara sa kasalukuyan ay nagrereply ito sa mga tweets sa kanya

- Sagot naman ni Sandara, dahil din sa kanyang fans kaya niya nakamit ang kanyang tinatamasang kasikatan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Sandara Park ang isang Pinoy fan na pinuri siya dahil kahit abala ang Kpop superstar ay nagagawa pa nitong sumagot sa mga message ng fans niya. Sagot naman ni Sandara, dahil din sa kanyang fans kaya niya nakamit ang kanyang tinatamasang kasikatan.

Read also

Herlene Budol, humingi ng dispensa sa mga nadismaya sa kanyang Q&A performance

Sandara Park sa kanyang Pinoy fans: "Im who I am right now because you guys"
Sandara Park sa kanyang Pinoy fans: "Im who I am right now because you guys"(@daraxxi)
Source: Instagram

Inihayag pa ng naturang Pinoy fan na kung minsan ay sobra-sobra na ang ginagawa ni Sandara.

Dara is very busy right now but she still made time to reply to us Best Girl, indeed. @krungy21 Sometimes, parang hindi ka namin deserve. We are spoiled stans ✊ lab na lab

Sagot naman ni Sandara, dahil din sa kanyang fans kaya niya nakamit ang kanyang tinatamasang kasikatan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Kamakailan ay kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai. Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara. Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan.

Read also

Vice Ganda, emosyonal sa kanta ni Argus para sa kanyang Tito Ion

Kamakailan ay ibinida ni Sandara ang kanyang awiting "In or Out" sa kanyang Instagram post. Makikita ang K-Pop superstar na sumasayaw sa saliw ng awiting kanyang pinasikat matapos niyang maging bahagi ng Star Circle Quest. Marami naman ang naaliw at natuwa sa ginawang ito ni Sandara dahil sa kabila ng kasikatan ay hindi ito nakakalimot. May mga nagmungkahi pang dapat gawing Global Tourism Ambassador for the Philippines si Sandara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel