Vice Ganda, emosyonal sa kanta ni Argus para sa kanyang Tito Ion

Vice Ganda, emosyonal sa kanta ni Argus para sa kanyang Tito Ion

- Hindi napigilan ni Vice Ganda ang maging emosyonal matapos kantahin ni Argus ang aniya'y paborito ng kanyang Tito Ion

- Kinanta niya ang awiting "Beautiful Day" at iyon daw ang paborito ni Ion ayon din kay Vice

- Matatandaang nitong June 11 ay naibahagi ni Ion ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapatid

- Ilang araw na rin na hindi nakakapasok si Ion sa It's Showtime kasunod ng pagbabahagi niya tungkol sa kanyang kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinanta ni Argus ang aniya'y paboritong kanta ng kanyang Tito Ion. Ito ang awiting may pamagat na "Beautiful Day". Hindi naman napigilan ni Vice Ganda na maging emosyonal matapos pakinggan ang kanta ni Argus.

Vice Ganda, emosyonal sa kanta ni Argus para sa kanyang Tito Ion
Vice Ganda, emosyonal sa kanta ni Argus para sa kanyang Tito Ion (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Matatandaang nitong June 11 ay naibahagi ni Ion ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapatid.

Read also

Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin"

Ilang araw na rin na hindi nakakapasok si Ion sa It's Showtime kasunod ng pagbabahagi niya tungkol sa kanyang kapatid.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel