Sandara Park, napatili sa kanyang pag-slide sa sky glass slide

Sandara Park, napatili sa kanyang pag-slide sa sky glass slide

- Kinaaliwan ang binahaging pictures at video ni Sandara park na kuha sa kanyang pagpunta sa Dubai kamakailan

- Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa Sky Views sa Dubai

- Gawa sa salamin ang ilang bahagi ng sahig at maging ang slide kung saan siya nagpadausdos pababa kaya hindi napigilang mapasigaw ni Sandara

- Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilan ni Sandara Park na mapatili sa kanyang pag-slide sa Sky Views sa Dubai. Makikita ang kanyang reaksiyon sa makapigil hiningang pag-slide niya sa salamin na bahagi ng gusali.

Sandara Park, napatili sa kanyang pag-slide sa Sky Views sa Dubai
Photo from Sandara Park (@daraxxi)
Source: Instagram

Sa isang picture ay napagapang pa ito sa salamin na sahig kung saan makikita kung gaano kataas ang kanyang kinaroroonan. Makikita din ang takot sa mukha nito.

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

Ang Sky Views Dubai ay kilala sa mga turista lalo na sa mga taong malakas ang loob. May bahagi sa gusaling ito kung saan maaring maranasan ang Sky glass slide.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa post na ito ni Sandara:

That Scream when doing the slide! hahahaha! Love this!!! I couldn't stop laughing when I saw the second to last video.
I feel so nauseous just by looking underneath that glass floor + slide hahaha but its a new experience and i'm so glad you tried, ati!
Best candid shot sksksksk it successfully captured the feeling at the moment. Natawa ako sa sigaw ni Dara Eonnie! Ang cute! Sigaw pinay po haha! Ati Yung last video sorry Peru sobrang tawaq sau pagod na pagod kana Peru failed prin

Read also

Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunapaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang komento ni Sandara sa picture ni Vice Ganda kasama si Ion Perez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel