Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

- Sa pagpanaw ng sikat na celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano, isa si Kiray Celis sa nagpahayag ng kanyang kalungkutan

- Inalala niya kung paano sila ng kakilala ng sikat na stylist na aniya ay pinahanap talaga siya

- Ito ay matapos mabalitaan ni Fanny ang tungkol sa pambu-bully umano sa kanyang make-up at nalagay siya bilang isa sa worst dressed sa isang ball

- Ani Kiray, iyon ang naging simula ng lahat kaya mami-miss niya ang kanyang Tito Fanny na tinuturing niyang kanyang fairy godmother

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Kiray Celis, pinahanap siya ni Fanny Serrano nang mabasa nito sa isang article ang pambu-bully sa kanyang make-up at napasama siya sa worst dressed sa isang ball. Tinuturing niya raw na kanyang fairy godmother ang sikat na celebrity stylist at makeup artist.

Kiray Celiz, inalala ang kabutihan ni Fanny Serano sa kanya
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Sa pagpanaw ni Fanny Serrano, binalikan ni Kiray Celis ang kabutihang ginawa sa kanya ng stylist at make-up artist.

Saan nga ba tayo nagkakilala? Actually pinahanap po ako ni tito fanny. May nabasa daw kasi siyang article na binubully ako sa make up at nalagay ako sa Worst dress sa isang ball. At dun na nagsimula ang lahat. Wala akong masabi. Mamimiss kita fairy godmother ko.. MY TITO FANNY "TF" SERRANO, Mahal na mahal kita. Sobra! I love you, Tf! Rest in peace :(

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang taong 2013 nang ibahagi ni Kiray ang kanyang photo shoot na naging usap-usapan.

Ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all."

Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel