Zeinab Harake, naantig sa mensahe ng kanyang ama sa kanya

Zeinab Harake, naantig sa mensahe ng kanyang ama sa kanya

- Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Zeinab Harake ang mensahe para sa kanya ng kanyang ama

- Ito ay sa gitna ng pinagdadaanan nito nang maghiwalay sila ng kasintahang si Skusta Clee

- Ayon sa kanyang ama, walang masamang magmahal ng maling tao ngunit hindi daw tama ang patuloy na mahalin ito kahit alam mong hindi siya ang tamang tao

- Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naantig sa mensahe ng ama ni Zeinab Harake para sa kanya sa gitna ng pinagdadaanan nito. Ayon sa kanyang ama, walang masamang magmahal ng maling tao ngunit hindi daw tama ang patuloy na mahalin ito kahit alam mong hindi siya ang tamang tao.

Zeinab Harake, naantig sa mensahe ng kanyang ama sa kanya
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Pinaalalahanan din niya si Zeinab na deserve ni Zeinab ng better na lalaki. Aniya, pagkatapos ng madilim na yugto ng buhay ay ang masayang yugto.

Read also

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

There's nothing wrong with loving the wrong person. It's wrong when you know he's the wrong person and still keep on loving him. You deserve better and I am always here supporting you and loving you. Love yourself coz you are worth it. Just know that after the darkest times is the happiest moments of your life. Keep on fighting and never give up. I love you soo much my little princess.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa.

Nagkaharrap na rin sina Skusta Clee at ang daddy ni Zeinab sa isang vlog ni Zeinab na pinamagatang "Who Knows Me Better (Father vs Partner Edition)"

Read also

Kiray Celis, inalala ang kabutihan ni Fanny Serrano sa kanya

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel