Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

- Matapos ang nag-viral na post ni Skusta Clee sa Facebook, isang maiksing bahagi ng kanyang panayam sa Toni Talks ang binahagi ni Zeinab harake

- Hindi malinaw kung ito ang kanyang sagot sa talaga namang pinag-usapang Facebook post ni Skusta

- Gayunpaman, sa maiksing video na binahagi niya ay maririnig ang kanyang pahayag na "Di ba parang joke?"

- Hindi naman maiwasang iugnay ng mga netizens ang post na ito ni Zeinab kay Skusta Clee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga netizens ang sumang-ayon kay Zeinab Harake sa Twitter post nito kung saan binahagi niya ang isang maiksing bahagi ng kanyang panayam sa Toni Talks. Hindi maiwasang iugnay ng ilang mga netizens ang post na ito ni Zeinab kay Skusta Clee.

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa maiksing video na binahagi niya ay maririnig ang kanyang pahayag na "Di ba parang joke?" Bahagi lamang ito ng kanyang naging pahayag nang isapubliko niya ang tungkol sa hiwalayan nila ng dating karelasyon.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Kasunod ito ng Facebook post ni Skusta Clee kung saan binahagi niya ang kanyang picture kalakip ng mga salitang ‘"Di bibilangin ang pagkakamali Patawarin mo akong muli"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa.

Sa isa sa kanyang huling vlog, hindi din napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Skusta Clee, nag-post sa kauna-unahang pagkakataon matapos magsalita ni Zeinab Harake

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel