Skusta Clee, nag-post sa kauna-unahang pagkakataon matapos magsalita ni Zeinab Harake

Skusta Clee, nag-post sa kauna-unahang pagkakataon matapos magsalita ni Zeinab Harake

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpost si Skusta Clee sa kanyang social media account matapos lumabas ang panayam ni Toni Gonzaga kay Zeinab Harake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Kalakip ng kanyang picture ay nakalagay ang mga salitang ‘"Di bibilangin ang pagkakamali Patawarin mo akong muli"

- Nakalagay din sa kanyang Facebook post na ito ang petsang May 13, 2022 at ang hashtag na #Kumpisal

- Agad namang dinumog ng netizens ang comment section ng kanyang post lalo at mainit pa ang isyu kaugnay sa pagsasalita ni Zeinab kamakailan

Kinuyog ng netizens sa comment section ng kanyang Facebook post si Skusta Clee. Ito ay matapos niyang mag-post sa kauna-unahang pagkakataon matapos lumabas ang panayam ni Toni Gonzaga kay Zeinab Harake.

Skusta Clee, kinuyog ng netizens sa kanyang Facebook post
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

VP Leni, nanawagan sa pagtanggap sa resulta ng Halalan; lalabanan pa rin ang kasinungalingan

Kalakip ng kanyang picture ay nakalagay ang mga salitang ‘"Di bibilangin ang pagkakamali Patawarin mo akong muli." Base sa kanyang post na may kalakip ang petsang May 13, 2022 at ang hashtag na #Kumpisal, maaring maglalabas ito ng bagong kanta sa naturang petsa.

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa.

Sa isa sa kanyang huling vlog, hindi din napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel