Rob Moya, inulan ng komento matapos mag-post kaugnay sa viral video niya sa bar

Rob Moya, inulan ng komento matapos mag-post kaugnay sa viral video niya sa bar

- Muling naging usap-usapan si Rob Moya kasunod ng pagkalat ng isang video kung saan may kasama siyang babae sa isang bar

- Maging sa TikTok ay kumalat na rin ang naturang video kung saan makikitang may kahalikan siya

- Kasunod ng pagkalat ng naturang video, ibinahagi ni Rob Moya sa kanyang Facebook post na mahirap daw talaga kapag nalalasing

- Matatandaang kamakailan alang ay naging usap-usapan ang pakikipagbati nito sa kanyang ex na si Toni Fowler

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa Facebook post ni Rob Moya, sinabi niyang mahirap talaga pag nalalasing. Kasunod ng pagkalat ng video niya kung saan may kasama siyang babae sa isang bar.

Rob Moya, inulan ng komento matapos mag-post kaugnay sa viral video niya sa bar
Rob Moya
Source: Facebook

Makikita sa viral video na nakahawak sa leeg niya ang babaeng kasayaw niya. Marami ding tao ang naroroon kasama nila. Maririnig pa ang tila pangangantiyaw ng ilan sa mga taong nakapaligid lalo at kilala si Rob sa social media. Maging sa TikTok ay kumalat na rin ang video na ito ni Rob.

Hindi naman naging positibo ang karamihan sa mga komento at mga reaksiyon ng mga netizens sa pagkalat ng video na ito ni Rob lalo at kamakailan lang ay sinusubukan pa nitong makipag-ayos sa ex niyang si Toni Fowler matapos nilang magkaroon ng tampuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya.

Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Kamakailan lang ay hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel