Billy Crawford, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya sa France

Billy Crawford, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya sa France

- Nagpasalamat si Billy Crawford sa pagmamahal sa kanya ng mga taga-France matapos dumugin ang kanyang performance

- Bukod sa dami ng tao, sumasabay din sila kay Billy at nagwagayway pa ng kanilang mga kamay upang ipakita ang kanilang suporta

- Ani Billy, masayang-masaya siya sa pagmamahal na pinaparamdam sa kanya ng mga tao doon kahit 20 taon na ang lumipas ng kasagsagan ng kasikatan niya doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang kamakailan ay muling naging maingay ang pangalan ni Billy matapos nitong manalo sa Danse avec les stars

Pinasalamatan ni Billy Crawford ang mga concert audience sa France matapos ang kanyang performance na talaga namang dinumog ng manonood. Ani Billy, masayang-masaya siya sa pagmamahal na pinaparamdam sa kanya ng mga tao doon kahit 20 taon na ang lumipas ng kasagsagan ng kasikatan niya doon.

Read also

JHS student na nakatanggap ng Php100,000 money garland mula sa kanyang tita, viral

Billy Crawford, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya sa France
Billy Crawford, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya sa France (@billycrawford)
Source: Instagram

Bukod sa dami ng tao, makikita din na sinasabayan nila si Billy at nagwagayway pa ng kamay upang iparamdam ang kanilang suporta.

Bago pa man siya nanalo sa Danse avec les stars, sumikat siya nang husto sa France kaya nang bumalik siya doon ay marami pa rin siyang mga fans.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Read also

Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa London

Umani si Billy at kanyang dance partner na si Fauve Hautot ng pinakamataas na puntos matapos ang kanilang dance performance kamakailan. Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila. Sa kanilang pinakabagong performance ay nakasama nila sa entablado si Coleen Garcia bilang surprise guest ni Billy. Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance.

Naibahagi ni Billy ang opinyon niya kaugnay sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Alex Gonzaga. Ani Billy, alam niyang alam ni Alex kung ano ang nagawa niyang mali at humingi naman ito ng dispensa. Dagdag pa ni Billy, maging aral na lang sa lahat ang nangyari at mag-move on na lang sa isyung ito. Nakausap niya umano si Alex noong araw ng kanyang birthday at biniro pa niya ito kaugnay sa kanyang kinasangkutang isyu.

Read also

Herlene Budol, hindi raw pinapasok sa utak na sikat siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel