Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa London

Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa London

- Muling gagamit ng interpreter si Herlene Nicole Budol sa gaganaping pageant sa Miss Tourism World sa London

- Matatandaang kamakailan ay gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion ng Miss Grand Philippines 2023

- Aniya, gusto niyang mas maraming makaintindi sa kanyang gustong sabihin kaya mas pipiliin niyang gumamit ng interpreter

- Sa kanyang post ay sinabi ni Herlene na pag-iigihan niya sa kanyang pageant dahil 'sinayang' siya sa naturang pageant

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Herlene Budol na gagamit siyang muli ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, kagaya ng paggamit niya nito sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023.

Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa London
Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa London (@herlene_budol)
Source: Instagram

Aniya nais niyang mas marami ang makaintindi ng kanyang gustong sabihin lalo at hindi siya ganun kagaling magsalita sa Ingles. Gayunpaman aniya ay sinusubukan naman niya.

Read also

Herlene Budol, hindi raw pinapasok sa utak na sikat siya

“Oo. Dito nga po sa Pilipinas na maraming nagta-Tagalog nakapagdala ako sa tabi ko. What more sa iba pang bansa? Pero gusto ko kasi mas maraming mas makaintindi. Kagaya ko hindi ganoon kagaling sa Ingles pero pinipilit,"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel