Herlene Budol, hindi raw pinapasok sa utak na sikat siya

Herlene Budol, hindi raw pinapasok sa utak na sikat siya

- Ayon kay Herlene Budol, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapasok sa isipan niya na sikat na siya

- Sa panayam ni Bernadette Sembrano, naibahagi ni Herlene ang kanyang saloobin kaugnay sa pagsali niya sa beauty pageant

- Ayon sa kanya, masarap sa pakiramdam na mas siniseryoso at ginagagalang siya simula nang sumali siya sa pageant

- Kwento pa niya, sobrang masaya siya nang unang pagkakataon na may tumawag sa kanya ng Ms. Herlene

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pa rin daw iniisip ni Herlene Budol na sikat na siya. Sa panayam ni Bernadette Sembrano, naibahagi ni Herlene ang kanyang saloobin kaugnay sa pagsali niya sa beauty pageant.

Herlene Budol, hindi raw pinapasok sa utak na sikat
Herlene Budol, hindi raw pinapasok sa utak na sikat siya(@herlene_budol)
Source: Instagram

Aniya, natanggap na lang din niya na tawagin ang kanyang sarili na bobo siya dahil iyon ang sinasabi sa kanya ng mga tao. Aniya, hindi masakit sa pag sa kanya na mismo manggaling ang panlalait.

Read also

Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Macky Mathay: "Hindi na nagle-level up yung relationship"

Ayon sa kanya, masarap sa pakiramdam na mas siniseryoso at ginagagalang siya simula nang sumali siya sa pageant. Kwento pa niya, sobrang masaya siya nang unang pagkakataon na may tumawag sa kanya ng Ms. Herlene.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Herlene Budol, gagamit ng interpreter sa Miss Tourism World sa LondonSi Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel