Sold out concert ni Sarah G, posibleng plus one day pa ayon sa source ni Cristy
- Nabanggit ni Cristy Fermin na pinaplano na umano ng Viva ang pagkakaroon ng karagdagang araw para sa 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo
- Ito ay dahil sa loob lamang ng anim na araw, sold out na agad ang tickets gayung sa May 12 pa ang concert
- Isang option din na maaring gawin daw sa pinakaabangang concert na ito ni Sarah ay ang pagbubukas pa ng mga karagdagang seats
- Matatandaang maging si Ogie Diaz ay binati na si Sarah sa mabilis na bentahan ng tickets ng concert nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Namangha sina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ng Showbiz Now Na! sa sold-out concert ni Sarah Geronimo.
Nalaman ng KAMI na sa loob lamang kasi ng anim na araw, ubos na agad ang tickets para sa 20th anniversary ni Sarah na gaganapin sa May 12.
"Talagang ibang klase ang isang Sarah Geronimo. Isipin mo May 12 pa po ang kanyang 20th anniversary concert, April 1 pa lang tayo. Bubunuin pa natin ang Abril, may labing dalawang araw pa ng Mayo para umakyat sa entablado ang Sarah Geronimo. Soldout na ang tickets," ani Cristy.
Dahil dito sinasabing posibleng magkaroon ng karagdagang seats para sa May 12 concert o di kaya'y magkakaroon pa ng isang araw para makapanood pa rin ang mga hindi pa nakabili ng tickets.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Pero ang balak yata ng Viva, kung hindi man magdadagdag ng upuan sa unang gabi, magdadagdag ng isa pang araw. Para ma-accommodate 'yung marami pa nating mga kababayan na talaga namang gusto pang manood ng ganyang klaseng konsyerto," dagdag pa ni Cristy.
Matatandaang una nang bumati si Ogie Diaz sa tagumpay ni Sarah G dahil sa ikaanim na araw pa lang buhat nang mag-umpisa ang ticket selling nito, sold out na agad ang concert ng nag-iisang Popstar Royalty.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:
Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres.
Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang todo puri si Cristy Fermin kay Sarah Geronimo. Nilarawan niya ito bilang isang mabait na anak hanggang sa pagiging isang mabuting asawa ni Matteo Guidicelli. Dahil dito, hiling din nina Cristy na sana'y manood ng anniversary concert ni Sarah ang pamilya nito lalong lalo na sina Daddy Delfin at Mommy Divine.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh