Francine Diaz, hindi makakadalo sa event ng Dirty Linen dahil sa injury

Francine Diaz, hindi makakadalo sa event ng Dirty Linen dahil sa injury

- Sa kanyang live streaming video naibahagi ni Francine Diaz na hindi siya makakapunta sa event ng Dirty Linen

- Ito ay dahil nagkaroon siya ng injury at kailangan niyang ipahinga muna ang kanyang katawan

- Siniguro niya naman sa kanyang mga fans na nagpapagaling siya para makasama na sa mga susunod na events

- Hiniling niya sa mga netizens na suportahan pa rin ang Dirty Linen at ang nakatakdang event na magaganap sa May 6

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Francine Diaz, hindi siya makakadalo sa event para sa kanilang seryeng Dirty Linen. Ito ay dahil sa injury niya sa kanyang paa.

Francine Diaz, hindi makakadalo sa event ng Dirty Linen dahil sa injury
Francine Diaz, hindi makakadalo sa event ng Dirty Linen dahil sa injury (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Sa naturang video ay makikita ang kanyang paa na naka-cast. Hindi naman malinaw kung ano ang sanhi ng kanyang pagkakaroon ng injury.

Siniguro niya naman sa kanyang mga fans na nagpapagaling siya para makasama na sa mga susunod na events. Hiniling niya sa mga netizens na suportahan pa rin ang Dirty Linen at ang nakatakdang event na magaganap sa May 6.

Read also

Antoinette Taus sa 'di mamatay-matay na tsismis: "Grabe, pumunta lang naman ako sa States"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel