Toni Fowler, sinorpresa si Tyronia ng trip to Singapore para sa birthday nito

Toni Fowler, sinorpresa si Tyronia ng trip to Singapore para sa birthday nito

- Sinorpresa ni Toni Fowler ang anak na si Tyronia Fowler sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-11 na kaarawan

- Inakala ni Tyronia na isang simpleng gift-giving na lang ang gagawin nila para ipagdiwang ang kanyang birthday

- Lingid sa kaalaman niya ay sa Singapore pala siya magdiriwang ng kanyang kaarawan kasama ang ToRo family

- Hindi napigilang maiyak ni Tyronia sa galak sa kanyang kauna-unahang out-of-the country trip

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Tyronia Fowler matapos niyang malaman ang regalo sa kanya ng kanyang mommy na si Toni Fowler. Hindi napigilang maiyak ni Tyronia sa galak sa kanyang kauna-unahang out-of-the country trip.

Toni Fowler, sinorpresa si Tyronia ng trip to Singapore para sa birthday nito
Toni Fowler, sinorpresa si Tyronia ng trip to Singapore para sa birthday nito (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Tila hindi ito makapaniwala nang sabihin ni Toni ang kanilang trip to Singapore lalo at ang akala niya ay gift giving lang muna ang kanyang birthday celebration dahil abala ang kanyang mommy sa trabaho.

Nagpasalamat naman si Toni sa lahat ng kanilang kasamahan sa ToRo fam dahil sa pagmamahal nila para sa anak niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay social media influencer at vlogger na nakilala bilang lider ng ToRo family. Kasama niya dito ang kanyang kapamilya at kaibigan at magkakasamang gumagawa ng mga content. Bukod sa vlogging ay mayroon ding naipundar na negosyo si Toni. Kamakailan nga ay naging bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel