Doug Kramer, todo-suporta sa anak na si Gavin sa basketball game nito
- Ibinida ni Doug Kramer ang unang 5on5 basketball game ng bunsong anak niyang si Gavin
- Pinayuhan niya ito na ayos lang kahit wala itong nakuhang puntos dahil ang mahalaga ay matuto daw muna siya habang nag-eenjoy sa paglalaro
- Aniya, hindi dahil matangkad at mabilis ay siguradong mananalo sa larong basketball
- Hinimok din nito ang anak na mag-enjoy at lagi lang siyang naka-suporta sa kanila lalo pagdating sa larangan ng sports
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Doug Kramer ang ilang pictures na kuha sa unang 5on5 basketball game ng bunsong anak niyang si Gavin. Hinimok niya ang anak na mag-enjoy at lagi lang siyang naka-suporta sa kanila lalo pagdating sa larangan ng sports.
Ayon pa kay Doug, suportado niya para sa mga anak ang sports dahil ito ay isang bagay na hindi pwedeng ibigay o ipamana lang. Kailangang paghusayan talaga pagdating sa sports.
Aniya, excited siya para sa anak.
I'm excited for you Gavin! And i'm right behind you to cheer and guide you. This is just the beginning. I love you Gav!
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.
Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.
Matatandaang binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh