Pokwang sa komentong hugot pa more: "Maraming ginawang mali sakin e"

Pokwang sa komentong hugot pa more: "Maraming ginawang mali sakin e"

- Sinagot ni Pokwang ang komento ng isang netizen sa kanyang Instagram post kamakailan

- Pabiro na sinabi ng naturang netizen ang "Hugot pa more" na tumutukoy sa mga makahulugang mensaheng kanyang pinopost

- Ani Pokwang, ganun talaga raw kapag maraming ginawang mali sa kanya, maraming hugot ang masasabi niya

- Isang netizen naman ang sumang-ayon kay Pokwang at nagsabing naglalabas lang ito ng sama ng loob

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Pokwang ang komentong "Hugot pa more" ng isang netizen. Aniya, marami talaga siyang hugot dahil maraming ginawang mali sa kanya.

Pokwang sa komentong hugot pa more: "Maraming ginawang mali sakin e"
Pokwang sa komentong hugot pa more: "Maraming ginawang mali sakin e" @itspokwang27)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Pokwang ang tungkol sa pagkakaroon ng respeto sa sarili at pagse-set ng boundary.

Apparently, they call you difficult when you set your boundaries and respect your self, but I think its a beautiful compliment, so keep difficult! You’re doing awesome

Read also

Doug Kramer, hinangaan sa pagiging supportive sa pagiging Blinks ng mga anak

Isang netizen naman ang sumang-ayon kay Pokwang at nagsabing naglalabas lang ito ng sama ng loob.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tama! You are just venting it out ang sama nang loob and that’s healthy, we are allowed to do that if not we will go nuts, I’m like you too. Dapat Lang let it all out then you will slowly feel better. It’s therapeutic

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Read also

Iza Calzado, nanganak na; pinakilala ang anak na si Deia Amihan Calzado Wintle

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel