Iza Calzado, nanganak na; pinakilala ang anak na si Deia Amihan Calzado Wintle

Iza Calzado, nanganak na; pinakilala ang anak na si Deia Amihan Calzado Wintle

- Isinapubliko ni Iza Calzado na nanganak na siya noong January 26, 2023 sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Naibahagi niya ang picture ng anak kung saan makikita ang mga kamay nito at kanyang bibig

- Pinangalanan nila ang anak nila ni Ben Wintle na Deia Amihan Calzado Wintle

- Bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa lalo na mula sa mga tagahanga ni Iza at mga kasamahan sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilala ni Iza Calzado sa publiko ang anak nila ni Ben Wintle na pinangalanan nilang Deia Amihan Calzado Wintle. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi siya ng picture ng anak nila na isinilang niya noong January 26, 2023.

Iza Calzado, nanganak na; pinakilala ang anak na si Deia Amihan Calzado Wintle
Iza Calzado, nanganak na; pinakilala ang anak na si Deia Amihan Calzado Wintle (@missizacalzado)
Source: Instagram

Naibahagi niya ang picture ng anak kung saan makikita ang mga kamay nito at kanyang bibig. Ani Iza, pinagpapasalamat nila ang suporta mula sa kanilang pamilya at kaibigan sa kanilang bagong yugto bilang mga magulang.

Read also

Cristy sa umano'y 'road to GMA' nina James at Liza: "Di maganda ang puhunan mo ay ka-negahan"

Born on January 26th, 2023, she's already stolen our hearts and brought so much joy into our lives. We're so grateful for the love and support from our family and friends, and can't wait for all the adventures that lie ahead. Big love from our family to yours!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa lalo na mula sa mga tagahanga ni Iza at mga kasamahan sa showbiz.

Si Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle o mas kilala ng publiko bilang si Iza Calzado ay isang aktres at modelo. Ang youth-oriented show na "Click" sa GMA ang unang TV program kung saan naging bahagi si Iza. Ikinasal siya sa businessman na si Ben Wintle noong December 2018.

Sa isang Instagram post ay nagbahagio ng mensahe si Iza para sa kanyang namayapang amang si Lito Calzado. Sa naturang post ay binahagi niya ang ilang throwback pictures ng ama kalakip ng kanyang mensahe para sa paggunita ng kaarawan ng kanyang ama na dapat ay 78 na taong gulang na. Bahagi ng kanyang mensahe ang linyang "Once a daddy's girl, forever a daddy's girl".

Read also

Sarah G, co-director din ng kanyang pinakaaabangang 20th anniversary concert

Samatala, nitong Enero din ng kasalukuyang taon ay binahagi ni Iza ang mga nagagandahang pictures na kuha sa kanyang maternity shoot. Bukod sa kanyang picture ay mayroon din siyang binahagi na pictures kasama ang kanyang mister. Ang pamosong photographer na si BJ Pascual ang kanilang kinuha. Sa naturang post ay humiling siya ng dasal para sa kanyang nalalapit na panganganak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel