Sarah G, co-director din ng kanyang pinakaaabangang 20th anniversary concert

Sarah G, co-director din ng kanyang pinakaaabangang 20th anniversary concert

- Co-director si Sarah Geronimo ng sarili niyang concert na gaganapin sa Araneta Coliseum

- Ito ay bilang pagdiriwang niya ng 20th anniversary sa industriya ng showbiz

- Kasama rin niya sa pagdi-direk ng enggrandeng kaganapan na ito ay si Paolo Valenciano

- Inaasahan ang pagdagsa ng tao sa naturang concert base na rin sa 15th year anniversary concert niya na tinaguriang 'highest grossing local concert'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa si Sarah Geronimo sa magiging direktor ng sarili niyang concert na gaganapin sa Mayo 12 sa Araneta Coliseum.

Sarah G, co-director ng kanyang pinakaaabangang 20th anniversary concert
Sarah Geronimo (@justsarahgph)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI ay ito ang kanyang celebration ng ika-20 taon sa industriya ng showbiz.

Matatandaang noong 15th year anniversary niya, tinagurian itong 'highest grossing local concert' sa dami ng pumunta at tumangkilik dito.

Kasama niya ang direktor na si Paolo Valenciano kaya naman inaasahan na talagang magiging maganda ang kalalabasan ng naturang show.

Read also

Alden Richards, naikwento bakit nag-leave siya noon sa Eat Bulaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkakahalaga ng Php15,000 ang SVIP ticket na may kasama naman umanong meet and greet sa Popstar Royalty.

Habang ang General admission ay nagkakahalaga naman ng Php600.

Subalit ang isa pa umanong tanong marami ay kung maiisipang dumalo ng kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin na siyang malaking bahagi ng kanyang career sa showbiz.

Isa umano ito sa natalakay sa programang Ogie Diaz Showbiz Update lalo na at magpasa-hanggang ngayon, wala pa umanong sagot ang mga magulang ni Sarah sa makailang beses na paghingi nito ng pang-unawa ar patawad sa anumang naging matinding dahilan ng hindi umano nila pag-uusap.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz, Mama Loi, Dyosa Pockoh at Ate Mrena sa naturang issue na mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Dalawang kapatid ni Coco Martin, bahagi rin ng FPJ Batang Quiapo

Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit umano nina Cristy Fermin ng Showbiz Now Na! na awang-awa na umano si Matteo Guidicelli sa kanyang misis sa sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Katunayan, ito pa raw umano ang nagpabura noon ng post ni Sarah na umano'y humihingi pa rin ng tawad sa kanyang pamilya.

Kamakailan, napag-usapan din nila sa naturang YouTube channel ang tungkol sa lungkot sa mga mata ni Sarah. Napansin din umano nina Cristy na tila sina Sarah at kanyang pamilya ang napag-iwanan sa mga hindi pa rin nagkaayos na problema sa mga showbiz personalities.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel