Dalawang kapatid ni Coco Martin, bahagi rin ng FPJ Batang Quiapo

Dalawang kapatid ni Coco Martin, bahagi rin ng FPJ Batang Quiapo

- Bahagi na rin ng teleseryeng FPJ Batang Quiapo ang dalawang kapatid ni Coco Martin na sina Ronwaldo at Ryan

- Si Ryan ang siyang kasa-kasama noon ni Coco sa mga taping at shooting subalit ngayon, isa na rin siya sa cast ng naturang serye

- Hindi na rin umano sila nag-acting workshop pa at sumabak agad sila sa taping

- Sa ngayon, isa ang FPJ Batang Quiapo sa mga pinakaaabangang programa gabi-gabi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Lingid sa kaalaman ng nakararami, bahagi na rin ng teleseryeng FPJ Batang Quiapo ang dalawang nakababatang kapatid ni Coco Martin na sina Ryan at Ronwaldo Martin.

Nalaman ng KAMI na nakapanayam ni Bernadette Sembrano ang isa sa mga kapatid na ito ni Coco.

Kwento ni Ryan, siya ang dating kasa-kasama ni Coco sa tuwing may taping o shooting man siya sa loob ng walong taon.

Read also

Yorme, binirong last day na ng taping sa Batang Quiapo: "Late po kasi ako"

Subalit ngayon, kasama ng isa pa nilang Kaptid na si Ronwaldo pinasok na rin nila ang pag-aartista.

Hindi na rin umano sila nag-acting workshop at diretso sabak sa mga eksena. Ani Ryan, hindi pa umano siya napapagalitan ng kanyang Kuya Coco sa set, na nangangahulugang maayos pa niyang nagagampanan ang mga pinagagawa nito sa kanila.

Sa ngayon, nag-eenjoy umano sila sa set na dahil na rin sa magandang samahan ng mga artista.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Katunayan sa ginanap na Tranlacion noong Enero ng kasalukuyang taon, nagawa nang mag-shooting nina Coco na isa rin talaga sa mga deboto ng Poong Nazareno.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel