Doug Kramer, hinangaan sa pagiging supportive sa pagiging Blinks ng mga anak

Doug Kramer, hinangaan sa pagiging supportive sa pagiging Blinks ng mga anak

- Hinangaan si Doug Kramer sa kanyang pagiging supportive sa hilig ng dalawang anak niyang sina Kendra at Scarlett Kramer

- Sa kanyang post ay sinabi niyang sumama siya para maging bodyguard ngunit aniya ay na-entertain din siya

- Pumunta silang mag-aama sa concert ng KPop girl group na Blackpink na aniya ay talaga namang world class performers

- Hirit pa niya maging siya ay isa na ding Blink at ang Balck Pink member na si Rose ang kanyang paborito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Doug Kramer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak na sina Kendra at Scarlett Kramer na kuha sa concert ng KPop girl group na Blackpink. Hirit pa niya maging siya ay isa na ding Blink at ang Balck Pink member na si Rose ang kanyang paborito.

Read also

Doug Kramer, todo-suporta sa anak na si Gavin sa basketball game nito

Doug Kramer, hinangaan sa pagiging supportive sa pagiging Blinks ng mga anak
Doug Kramer, hinangaan sa pagiging supportive sa pagiging Blinks ng mga anak (@dougkramer)
Source: Instagram

Ani Doug, sumama lang siya para maging bodyguard ng dalawang anak ngunit aniya ay napagtanto niyang na-entertain din siya. Dagdag pa niya, talaga namang world class performers ang Balck Pink.

Narito ang komento ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

So cool and supportive of you to join Kendra and Scarlett!
Supportive dad..cool..btw same bias Rosé ..last night was insane..the girls are soo amazing
You’re the coolest and best Dad ever, Doug

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Read also

Anne Curtis, ibinida ang kanyang pang "Disney Princess" na pagkanta

Matatandaang binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel