Cristy Fermin sa pagso-sorry ni Liza kay Ogie Diaz: "Bigla akong naawa kay Liza"

Cristy Fermin sa pagso-sorry ni Liza kay Ogie Diaz: "Bigla akong naawa kay Liza"

- Aminadong naawa si Cristy Fermin kay Liza Soberano dahil huli umanong nai-ere ang paghingi niya ng sorry

- Ani Cristy, nagkaroon pa umano ng pagkakataon ang netizens na husgahan si Liza base sa mga naunang bahagi ng interview nito

- Gayunpaman, hindi raw nagbago ang una niyang nasabi na dahil sa mga nasabi ni Liza sa kanyang "This is Me" vlog

- Sana'y nailabas agad daw umano ang karugtong ng naturang interview upang hindi na lalo pang nabatikos si Liza na kalauna'y nag-sorry naman pala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naawa umano si Cristy Fermin kay Liza Soberano dahil sa huli na umanong naisa-ere ang paghingi niya ng sorry kina Ogie Diaz at maging sa ABS-CBN.

Cristy Fermin, sa paghingi ng paumanhin ni Liza kina Ogie Diaz: "Bigla akong naawa kay Liza"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ay ang interview pa rin ni Boy Abunda kay Liza subalit ipinalabas ang nasabing episode sa YouTube channel na nito at hindi na umano sa programa niyang 'Fast Talk'.

Read also

Liza Soberano, napuri ni Dyosa Pockoh: "Sa totoo lang, mabait naman ang batang 'to"

"Uncut version, bakit hinuli niyo 'yung pagso-sorry. Sabihin na nating uncut version edi dapat isinama niyo sa pangalawang sultada 'yung pagso-sorry para hindi naman, talagang inupakan si Liza Soberano," ang reaksyon ni Cristy sa naturang bahagi ng interview.

"Anong ibig sabihin nito? ihinain niyo na naman 'yung bata sa boksing na wala siyang kalaban-laban," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, aminado niyang naawa kay Liza subalit hindi pa rin umano mababago ang mga una niyang naging reaksyon buhat nang mailabas ang "This is Me" vlog ni Liza na umano'y pinag-ugatan ng lahat.

"Ako ang naramdaman ko although wala po akong binabawi ah, Mula nang unang ipanganak po itong isyu na ito, paninindigan ko po na 'yung vlog ni Liza tungkol sa kawalan niya ng utang na loob at pagiging inggrata sa mga taong tumulong sa kanya lalong-lalo na sa kanyang manager na si Ogie Diaz, hindi ko po babawiin 'yun"

Read also

Cristy sa umano'y 'road to GMA' nina James at Liza: "Di maganda ang puhunan mo ay ka-negahan"

"Sa akin pong puso, pinaniniwalaan ko na siya ay inggrata at walang utang na loob at hindi marunong magpahalaga sa taong tumulong na makamit niya ang tagumpay."
"Pero itong kwento na inipit nga itong panghihingi niya ng paumanhin, bigla akong naawa kay Liza"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! Nasabi ni Cristy Fermin na malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel